CHAPTER 27: SCHOOL FAIR

144 12 0
                                    

KENDRIX'S POV

Habang tumutugtog si Calyx kanina, nakatulala lang si Athena habang nakatingin sakanya at nakikita ko na masaya siya habang nakikinig sakanya. Oo nag seselos ako. Pero wala naman akong magagawa eh kundi tignan lang siya na maging masaya habang nasasaktan naman ako. Naranasan mo na ba yung magmahal ng taong iba naman ang gusto. Ang sakit diba? Pero kailangan ko nalang tanggapin ang katotohanan na masaya siya kay Calyx at hindi saakin. Bwisit na puso kasi to eh. Bakit ba kasi sa tuwing nasa harap ko si Athena umuurong ang dila ko? Bakit sa tuwing nasa harap ko siya naduduwag ako? Bakit ba kasi ang torpe - torpe ko? Hay ewan! NAKAKAINIS!

Gusto kong tumakbo papalayo para matakasan ang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung ano ba ang magandang gawin hanggang sa bigla ko nalang hinatak ang kamay ni Athena at tumakbo papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko lang gusto kong magpakalayo layo kasama si Athena. Maya maya pa, tumigil muna kami ni Athena para makapagpahinga. Grabe! Sobrang nakakapagod ang tumakbo ng tumakbo.

"Saglit lang nga Kendrix, saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Athena.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko nang biglang akong tinanong ni Athena. Dahil sa sobrang kaba na nararamdanan ko, tinitigan ko lang siya at hindi na ako nakasagot sa tanong niya. NANG BIGLANG...

"Mukhang may unang couple na tayo na ikakasal for today."

Biglang nanlaki ang mata ko nang makita ko na nasa harap pala kami ng wedding booth nila Chelsea.

"Nako hindi Chelsea, nagkakamali kayo. Magkaibigan lang kami ni Athena." sabi ko.
"Oo nga. Hindi kami couple Chelsea. Nagkakamali lang kayo." sabi ni Athena.

Pero hindi kami pinakinggan ni Chelsea at sinuotan kami ni Athena ng blindfold pareho at dinala kami sa kung saan.

"Saan niyo kami dadalhil Chelsea?" tanong ko.
"Diba ang mga couple bago ikasal dapat inaayusan? So papagandahin at papapogiin na muna namin kayo bago ang kasal niyo." -CHELSEA.
"Ehh hindi nga kami mag boyfriend at girlfriend ni Kendrix. Magkaibigan lang nga kami." sabi ni Athena.

Hindi na sumagot si Chelsea saamin. Maya maya pa, pinatayo na kami at tinanggal ang blindfold na suot namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita si Athena na may hawak na bulaklak at may suot na belo sa ulo. Wala akong pakialam sa mga tao na nasa paligid. Yung parang wala akong ibang nakikita at naririnig basta nakafocus lang ako kay Athena. Ang ganda ng mga mata niya na parang bituin sa langit na kumikinang. Ang mga pisnge niya na parang rosas sa pula at ang mga labi niyang kasing lambot ng Marshmallow. Sobrang ganda ni Athena. Sana siya na talaga ang taong para saakin. Sana dumating yung araw na ikasal talaga kami at bumuo ng masayang pamilya balang araw. Yung totoong kasal. Sana kami nalang at sana totohan nalang ang lahat ng ito.

CALYX'S POV

Nagpunta ako sa kung saan saan para hanapin si Athena at si Kendrix. Habang nag lalakad papunta sa kung saan, may nakita akong kumpulan ng mga tao sa harap ng  wedding booth. Lumapit ako at tinignan kung ano ba talaga ang pinagkakaguluhan ng mga tao doon. Nagulat ako ng makita ko si Kendrix at si Athena na nag papakasal sa wedding booth. Biglang sumakit ang dibdib ko na parang nakaramdam ako ng selos. Ang sakit sakit talaga. Umalis nalang ako at tumakbo papunta sa school garden nang bigla kong makasakubong si Zoey sa daan.

"Oh? Bakit ka tumatakbo Calyx?" tanong ni Zoey.

Hindi ko nalang pinansin si Zoey at nagpatuloy nalang sa pagtakbo. Pumunta ako sa school garden at naupo doon. Hindi ko nalang namalayan na umiiyak na pala ako. Ang sakit eh. SOBRANG SAKIT.

ANGEL'S POV

Habang nag lalakad ako sa hallway papunta sa restroom  nang bigla akong nakarinig ng usapan ng mga babae sa hallway.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon