CHAPTER 62: SHELLS

92 5 1
                                    

KENDRIX'S POV

Habang nasa biyahe kami, hindi ko mapigilan na titigan ang magandang mukha ni Athena. Sobrang ganda parin niya kahit natutulog siya. Para saakin, she is the most perfect woman I've ever met in my life. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko na ihiga si Athena sa balikat ko para kahit papano, hindi naman sumakit yung leeg ng princesa ko. Hindi ko mapigilan ngumiti sa sobrang saya.

"Bakit parang ang saya mo ata Kendrix? Ayos ka lang ba?" tanong ni Angel.
"Ah wala lang. Masaya lang ako." Nakanging sagot ko.

Bigla akong tinignan ni Angel habang naka ngiti.

"Ah alam ko na kung bakit ganyan yung ngiti mo. Dahil ba yan saakin? Ano ka ba Kendrix! Wag mo naman ipahalata na sobra kang kinikilig habang katabi mo ako. Nahihiya ako eh. Pero okay lang, as long as masaya ka, masaya na rin ako." sabi niya sabay patong ng ulo niya sa balikat ko.

Hindi na ako sumagot at tinitigan nalang siya. Kung pwede ko lang sanang sabihin na masaya ako dahil kay Athena siguro kanina ko pa ginawa. Makalipas ang 3 oras ng biyahe, nakarating na kami sa camping site namin. Nauna na silang bumaba at kami nalang ni Athena yung naiwan sa loob ng kotse. Dahan dahan kong tinapik yung balikat ni Athena para gisingin siya.

"Athena. Gising na. Nandito na tayo oh." sabi ko habang tinatapik yung balikat ni Athena.

Habang ginigising ko siya, hindi ko mapigilan na mapangiti. Dahan dahan  dinilat ni Athena ang mga mata niya at nagmadaling bumangon.

"Sorry Kendrix. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa balikat mo. Sorry talaga." sabi niya.

Tinitigan ko lang siya tapos napangiti ako. Ewan ko ba. Hindi ko mapigilan eh. Hehehe!

"Nako wala yun. Okay lang." nakangiting sabi ko.

Hindi na siya sumagot at ngumiti nalang tapos nagkatitigan kami. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata niya. She is so beautiful. Her eyes is so perfect. NANG BIGLANG...

"ANO BES? MAG TITITIGAN NALANG BA KAYO DIYAN HA?" sabat ni Zoey.

Dahil sa sobrang gulat, nagmadali kami ni Athena na bumaba ng kotse. Kitang kita ko sa mga mata ni Athena yung sobrang saya habang tinitignan ang magandang tanawin ng dagat. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulala na pala ako habang tinititigan siya.

"Ang ganda naman dito!" sabi ni Athena.
"Oo nga. Sobrang ganda!" sabi ko habang nakatingin sakanya.

Bigla siyang lumingon at ngumiti saakin. Agad akong umiwas ng tingin at nag kunware na nakatingin sa dagat. Nang biglang hinawakan ni Athena yung kamay ko at hinatak papunta sa dalampasigan.

"Tara na Kendrix! Tulungan mo akong ayusin yung tent namin." sabi niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Makalipas ang 30 minutes, natapos na kami mag set up ng mga tent. Naupo si Athena sa isang sulok at kumuha ng mga litrato. Kahit nasa malayo ako, kitang kita ko yung ganda ng babaeng mahal ko eh. Lalapit na sana ako sakanya ng bigla siyang hinatak ni Zoey papunta sa dagat at nag tampisaw na parang bata.

"Oh? Ano pang hinihintay mo diyan Kendrix? Tara na!" sabi ni Calyx sabay takbo papunta sa dagat.

I just look at him ng may blankong reaction sa mukha. Kahit kailan talaga epal tong mokong na to eh. Tumakbo na din ako papunta sa dagat at nagtampisaw narin. Looking at Athena right now makes me feel happy. Makita ko lang na masaya yung babaeng mahal ko, masaya na rin ako eh. Maya maya pa, umahon na yung iba para magprepare ng makakain namin. Yung iba naman nag habulan sa dalampasigan, yung iba nahiga sa buhagin at yung iba nagtatampisaw parin sa dagat.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now