CHAPTER 33: HAPPY MOMENTS

130 12 0
                                    

ATHENA'S POV

Makalipas ang 30 minutes, natapos na kaming ayunsan ni Kaycee. Maya maya pa, nagpunta na kami sa convention hall ng hotel para mag umpisa na ang party niya. Habang nag hihintay na mag umpisa ang party ni Kaycee, nakatayo lang ako sa isang sulok. Grabe, ang dami daming mayayamang tao dito. Ewan ko nga kung bakit nandito ako ehh. Hindi ko naman deserved to ehh. Kaloka! Kung hindi lang dahil kay Kaycee, hindi naman ako pupunta dito noh. Tsaka ngayon ko lang na realize na ganito pala talaga kayaman si Calyx. Pero never siya nagyabang tungkol sa yaman na meron sila. Ewan ko ba kung bakit nag titiyaga siya sa maliit na apartment malapit saamin. Siguro mas gusto parin ni Calyx ang simpleng buhay kagaya namin. Hay! Napaka swerte talaga ng mapapangasawa niya in the near future. Sana pag dumating yung araw na yun, magkaibigan parin kami or sana ako yung mapangasawa niya. CHAROT! HAHAHA. Maya maya pa, nag umpisa na ang party ni Kaycee. Since wala akong kakilala dito, pinipilit ko nalang na libangin ang sarili ko. Yung tipong kinakausap ko na ang sarili ko. Diba mukha akong tanga. Kakaloka! Hahaha!

Maya maya pa, lumapit si Kaycee  saakin at kinausap ako.

"Hi ate Athena!"
"Oh? Ikaw pala Kaycee. Bakit? May kailangan ka ba?" tanong ko.
"Ahh wala naman po ate. I just want to ask you if you're enjoying the party?" tanong ni Kaycee.
"Ahh oo naman. Sobrang Enjoy." nakangiting sabi ko.

SERIOUSLY ATHENA? NAG E-ENJOY KA? EHH WALA KA NGANG KAUSAP EH. HAY EWAN! KUNG HINDI LANG DAHIL SAYO KAYCEE, HINDI NAMAN AKO PUPUNTA DITO NOH. KALOKA!

"Ohh thats nice! Anyway ready kana ba ate Athena?"
"Ha? Ready saan Kaycee?" tanong ko.
"Ready kana ba makilala kuya ko? For sure mag kakasundo kayong dalawa. Promise!" Sabi ni Kaycee.
"Ahh okay Kaycee. Sige! Ready na ako." sabi ko with a fake smile.

Ako? Ready? Hindi noh! Kaloka! Kinakabahan ako eh. Huhuhu! T__T

"Okay. Wait lang ahh. Tawagin ko lang kuya ko. Wait for me here ahh."
"Okay Kaycee." sagot ko.

Umalis na si Kaycee para tawagin yung kuya niya. Pero nakalipas na ang 5 minutes, wala parin si Kaycee.

"Nasaan na kaya siya? Bakit ang tagal naman? Nakalimutan niya na siguro ako. Kaloka!" Bulong ko.

NANG BIGLANG...

"Ate Athena!" Sigaw ni Kaycee.

Hay salamat, bumalik na si Kaycee. Akala ko nakalimutan niya na ako ehh. Lumingon ako at biglang nanlaki ang mata ko ng dahil sa nakita ko.

"KENDRIX?" sabi ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagkatitigan lang kami ni Kendrix. Teka nga lang. Totoo ba to? Si Kendrix Lee ang kuya ni Kaycee? Kaloka ka Athena. Bakit hindi mo naisip na itanong ang apelyido ni Kaycee? Grabe! Hindi talaga ako makapaniwala.

"Mag kakilala kayo?" sabi ni Kaycee.
"Ahh oo Kaycee. Magka klase kami sa ibang subjects ehh." sagot ko.
"Tsaka magkaibigan kami baby sis." sagot ni Kendrix.
"Ahhh ganon ba kuya? But you know what kuya, Bagay na bagay kayong dalawa. You look so good together." Sabi ni Kaycee.

JUICECOLORED! Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa sinabi ni Kaycee.

"Hala? Ano kaba Kaycee. Magkaibigan lang kami ng kuya mo. Diba Kendrix?" sabi ko.
"Tama! Magkaibigan lang kami ni Athena. Hanggang dun lang yun." sabi ni Kendrix.

Parang pakiramdam ko biglang gumuho ang mundo ko ng dahil sa narinig ko. Hanggang doon nalang ba talaga ako? Sa bagay, alam ko naman na hanggang dun lang talaga ako para kay Kendrix. Wala naman akong magagawa ehh. Hindi naman kasi ako ang type ni Kendrix eh. DAKILANG NOBODY LANG KASI AKO. Hay ewan. Hindi naman ako aasa na magustuhan niya ako ehh. Baka masaktan lang ako pagdating sa dulo. Kaya mas mabuti na wag nalang ako umasa kaysa masaktan lang ako.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon