CHAPTER 25: VICTORY PARTY

158 10 0
                                    

ATHENA'S POV

Habang kumakain kami ng bigla kong naalala ko yung victory party mamaya. Nako kinakabahan ako. NAKAKALOKA! Sana hindi nila ako payagan. Ayoko kasi pumunta doon eh. Baka mag away lang si Kendrix at si Calyx ng dahil saakin. Hay bakit ba kasi kailangan nila akong pag awayan? Hay ang gulo gulo. PROMISE! T__T

Tinignan ko sina Tito Kenndedy at Tita Alex ng may blakong expression sa mukha.

"Teka nga lang! Bakit ba kanina mo pa ako tinitignan anak. May sasabihin kaba?" tanong ni tito Kennedy.

Bigla akong nabulunan ng dahil sa tanong ni Tito Kennedy.

"Okay ka lang nak? Eto tubig oh." sabi ni tita Alex sabay abot ng tubig saakin.

NAKAKALOKA! Nabulunan ako ng dahil sa sinabi ni Tito Kennedy. JUICECOLORED! Umiiyak na ang kili kili ko sa sobrang kaba. Paano ako mag papaalam sakanila? Hay ano ba yan! -___-

"Kung magpapa alam ka ate tungkol sa victory party niyo mamaya ng mga ka grupo mo sa play, WAG NA. Alam na yan ni mama at ni papa." sabat ni Maxine habang patuloy parin sa pag kain.

Biglang nanlaki ang mata ng dahil sa sinabi ni Maxine.

"Ha? Paano niyo nalaman? Wala pa naman ako sinasabi sainyo ah." tanong ko.

Tinignan ako ni Tito Kennedy at ni Tita Alex at ni Maxine na may blankong reaksyon sa mukha.

"Ah kasi pumunta dito si Calyx at hinahanap ka kanina." Seryosong sabi ni Tita Alex.
"Si Calyx po? Ano po ang sinabi mo Tita Alex?" Tanong ko.
"Sabi ko tulog ka tapos nag kwento siya tungkol sa manyayaring victory party mamaya at pinagpaalam ka niya saamin. At alam mo ba kung ano ang desisyon namin ng Tito Kennedy mo?" seryosong sabi ni Tita Alex.

Bigla akong napatigil sa pag kain habang nakatingin kay Tita Alex na parang ewan. JUICECOLORED! ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO. KINAKABAHAN AKO NG BONGGANG BONGGA. T__T

"Hindi po kayo pumapayag diba? Nako okay lang po kung hindi po kayo papayag. Maiintindihan ko naman po eh. Okay lang talaga po." nakangiting sabi ko.

Kinuha ko ang baso at uminom ng juice.

"Ha? Anong sinasabi mo nak? Pumapayag kami ng Tita Alex mo na pumunta ka doon. Basta ihahatid ka ni Kendrix at ni Calyx dito ng ligtas." sabi ni Tito Kennedy.

Bigla kong naibuga ang iniinom kong juice ng dahil sa sinabi ni Tito Kennedy.

"ANO PO? BAKIT?" Pasigaw na tanong ko.
"Kokontra ka ba ate?" tanong ni Maxine.
"Nako! Hindi noh. Sabi ko nga ang saya ko kasi pinayagan nila ako eh." sabi ko sabay kamot sa ulo.

AKO? MASAYA?SYEMPRE HINDI NOH! NAKAKALOKA! AYOKO NGA PUMUNTA DOON TAPOS PUMAYAG SILA? JUICECOLORED! ANG PINAKA NAKAKALOKA PA DOON, IHAHATID AKO NI CALYX AT KENDRIX PAUWI. HAY! ANO BA? UMIIWAS NGA AKO DIBA? PERO MUKHANG MALABO NA MANGYARI YUN EH. NAKAKAINIS NAMAN! T__T

Makalipas ang 30 minutes, umakayat agad ako para makapag ayos na. Labag man sa loob ko pero wala akong magagawa eh. Hindi naman ako pwedeng komontra. Baka mapagalitan lang ako. Hay ganon talaga pag meron kang napakasupportive na mga magulang. NAKAKALOKA! -___-

Habang nag aayos ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"AY BULATE!" gulat na sigaw ko.

Ano ba yan! Umabot sa pisnge ko ang lipstick ng dahil sa sobrang gulat. Sino ba kasi yan kumakatok na yan? Sigurado ako si Maxine nanaman yan. Nako lagot talaga saakin yan babae na yan. Tumayo ako at hinampas ang pinto.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon