Simula

3.7K 88 13
                                    


Simula

Love. A powerful word. No one can teach someone how to love and who to love. Some people have it, some people not. However, not all of us already found what love really means.

"Hay! Bakit ba kasi may substitute prof pang nalalaman 'to si Sir Dmitri?" angal ko nang inutusan akong i-announce iyon sa klase.

We were supposed to have a quiz today. Fortunately, Sir Dmitri cannot attend class but unfortunately, may substitute prof na magpa-pa-quiz sa amin!

Sir Dmitri is our poging calculus professor. He's smart, he explains the lessons very well pero sobrang hirap minsan magpa-quiz, nakamamatay!

"Akala ko nga rin wala nang quiz, e. Handa na akong gumala pa naman," inis na sabi ni Kate.

"Bakit ba kasi pumunta ka pa ng faculty? Edi sana may excuse tayo na hindi natin alam na tuloy 'yong quiz kung hindi ka sana pumunta ron," ani Dave.

Dinampot ko ang libro sa tabi ko at binato iyon sa kanya.

"Hindi ko iyon kasalanan! Inutusan ako ipasa iyong papers natin, e."

"You know what? Magreview na lang tayo kaysa nagdadaldalan tayo," ani Kate.

"Turuan mo na lang ako, Kate. Gusto ko talunin si Aspen sa calculus, e. Walang iyakan, ha?" pang-asar ni Dave.

Imbis na mainis ako ay natawa na lang ako sa kalokohan niya. He really is a funny guy. Kung hindi ko lang ito kaibigan ay baka nasapak ko na ito.

Kate and Dave are my good friends. Second semester na namin ngayon as freshmen students. Hindi ako nag senior high school dito while both of them studied here. Mabuti na nga lang noong first day ay nakatabi ko itong si Kate.

"Hi! I'm Kate Vadelyn, you are?" sabi niya at nilahad ang kamay.

Tipid akong ngumiti. "Aspen Magdameo."

Kinuha ko ang kamay niya. Pagtapos no'n ay pinakilala niya ako kay Dave. And that's how I met them.

Nagsimula na lang na akong magreview dahil isang oras na lang ay class na namin. Kinuha ko ang notebook ko at inaral na ang mga lessons doon. I don't have any choice but to study, baka bumagsak pa ako, e.

Muli akong napairap sa kawalan nang magkabisa na uli ng formula. Kung hindi lang talaga ako inutusan edi sana wala kaming quiz. Inis kong nilingon ang mga varsity player na naglalaro. Hindi naman magagaling! Kung sana itong si Dave ay nagtry out edi siya ang captain ball nila riyan at hindi itong si Kych.

Kych looked at me and smiled. Doon ko na sinara ang notebook ko at nag-ayos ng gamit. Bakit ba kasi ulit kami rito pumwesto? Nakakawalang gana lang mag-aral!

"Tara na nga! Thirty minutes na lang magsisimula na 'yong quiz. Doon na lang tayo sa bench malapit sa room umupo.." aniko habang mabilis na sinusukbit ang bag.

Narinig ko ang pagpito ng coach nila. I need to go! Jusko po, gusto ko ng maayos ang utak na sumabak sa quiz at hindi puno ng inis!

Halos iwanan ko na sina Dave at Kate sa sobrang bagal maglakad. Kych is a varsity player and an engineering student. Ka-block namin siya sa ibang subjects dahil irregular student siya.

"Akala ko haharangin ka na naman ni Rivas, e. Nakatingin sa'yo habang paalis tayo." halakhak ni Dave.

"Tigilan mo ako, Dave, ha. Sinabi kong ayaw ko roon, e. Mapilit ka lang."

"Ba't kasi hindi mo na lang sagutin? Tagal na noong nanliligaw sa'yo, ah. And he seems sincere and into you, like for real." sabi ni Kate.

Hindi ko na sila pinansin sa mga sinasabi nila. Well... I can't because I think he's not really serious about it. Palagay ko ay pinagt-tripan lang ako o kung ano. At isa pa, hindi ko siya type.

Inubos namin ang oras para magreview at magkwentuhan. Agad kaming pumasok sa room nang mag time na. Akala ko pa naman on time yung substitute prof, hindi pala.

"Ba't kaya ang tagal nung prof? It's been ten minutes, ah?" tanong ni Kate.

"Maybe he got lost or something," biro ko. "Baka lalaki prof, sana gwapo para naman gumanda mood ko."

"Alam mo ikaw, hindi ko maintindihan. Gwapo si Kych pero ayaw mo sa kanya. Ano ba talaga?"

Masama ko siyang tinignan.

"Iba yon. Ekis na 'yon agad."

Biglang natahimik ang klase nang bumukas ang pinto at may pumasok na lalaki sa room. I thought naliligaw lang or something pero pagkalingon ko ay napanguso ako.

"Good afternoon, class. I'm sorry, I'm late." ngiti niya sa amin.

He was wearing a white long sleeves folded up to his elbow. He smoothly placed his laptop bag and papers he was holding on the desk. Halos hindi ako nakagalaw dahil sa nakitang pag ngiti niya.

His fine hair, his smile and his chinito eyes! Damn.

"I am taking over Sir Dmitri's class for today. May importante raw siyang lakad. I hope you are all ready for today's quiz?"

Halos boses niya lang ang umaalingawngaw sa room namin. No one had the courage to answer his question. Sino ba naman kasi ang sasagot sa kanya lalo na't masyado siya nakaka-intimidate kahit pa ngumingiti siya?

Natawa siya bigla. "Guys, hindi ako nangangagat. I'm just here to give you a quiz and discuss a lesson after it. But since you all don't know who I am, I'll introduce myself first."

Sinundan ng mata ko kung pano niya inayos ang papel sa lamesa bago muling humarap sa amin. Tinignan niya isa-isa bago pa magpakilala.

"I am Ahiro Takahashi. I'm an engineer and I am your Sir Dmitri's friend. He actually asked me for a favor na ako muna magpa-quiz sa inyo today, so that's why I'm here."

Ngumiti siyang muli sa amin at natawa nang wala manlang gumalaw. He brushed his hair and walked around before talking again.

"Any questions before we start the quiz?" tanong niya.

"Ang gwapo ni Sir. Bakit ganon?" bulong ni Kate sa akin.

Pinandilatan ko siya ng mata at sinubukang itago ang ngiti ko pero hindi nagawa nang makita rin ang malaking ngiti ni Kate!

"Gwapo naman si Sir Dmitri, ah? Crush mo nga 'yon diba?"

"Si Sir Dmitri pa rin naman. Masama ba ma-gwapuhan sa kaibigan niya? Single naman ata. 'Tsaka the more the merrier! Mas gaganahan ako pumasok kung parehas prof natin.." hagikgik niya.

"Hindi ka ata pumunta rito para mag-aral, e..." natatawa kong sinabi.

"Paano mo nalaman?" tawa niya kaya mas lalo akong natawa rin.

Nilingon ko ang mga kaklase ko na nagsisimula na ring umingay. May mga nagbubulungan habang ang iba naman ay sumasabay sa mga nagsasalita na at nagtatanong sa professor na nasa harapan.

"Japanese ka, Sir?" tanong ni Jake.

"Yes," tango niya.

"Sir, kailan ka pumasa sa board?"

At doon na nagtuloy tuloy ang tanong sa kanya. Halos umabot iyon ng ten minutes at wala nang matanong ang mga kablock ko. Natatawa ako dahil pinipilit na lang nilang magtanong dahil ayaw nilang magquiz.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang lalaking nasa harapan while he openly and honestly answer all of their questions. I had a hint that he's a Japanese dahil sa mata niya. Pero I was still shookt to hear it from him.

I wasn't really into Japanese guys but this guy? I think, he's an exception.

"Sir, single ka?" I asked, kinagat ko ang labi dahil sa kawalang hiyaan na tanong ko.

Doon naghiyawan ang mga ka-block ko. Bilang lang ang babae samin at puro lalaki dahil civil engineering student kami.

Hindi naman masama ang tanong ko, ah? My intention is pure. I'm just curious if he's really single since Kate mentioned it. At isa pa... I wanted to know...

He looked at me, humor plastered on his face. He didn't expect me to ask that question. Parang natunaw ako nang ngumiti siya habang nakatitig sa akin. Unti-unti siyang umiling at natawa na lamang.

"Bring out short bond paper and ballpen. We'll start the quiz in a minute." aniya at ngumisi sa akin bago kunin ang mga papel sa table niya.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now