Kabanata XII

1.6K 55 1
                                    

Kabanata XII

Name

"Saan ka ba nagpunta at hindi ka nakapunta kagabi? 'Tsaka ano ito, galing kang tagaytay?" tanong ni Kate.

Nandito kami ngayon sa school grounds hinihintay si Dave. Malapit na mag gabi at magsisimula na rin mamaya ang banda. Naririnig na namin ang tunog mula sa kung saan naka-set up ang stage.

Hindi ko na siya sinagot at hinayaan na lang dumaldal. Ayaw ko nang bigyan pa siya ng kung anong ideya. I know I can trust her. At palagay ko rin may ideya siya sa nangyayari pero mas okay na sigurong ganon na lang.

Hindi na ako nag tagal agad sa gabing iyon at umuwi na. Ang alam ko kasi ay pupunta si Sir Ahiro sa bahay dahil may iilang pag-uusapan sila ni Papa.

Hindi ko nga alam kung ano iyon at bakit kailangan na kailangan sa gabing iyon pa pag-usapan. Wala namang nabanggit si Papa na kahit ano.

Bumaba ako sa tricycle at nagbayad na. Nakita ko ang sasakyan ni Sir Ahiro na nakapark sa labas ng bahay namin.

Pumasok ako sa bahay. Nakita ko ang iilang papel na nakalagay sa center table namin sa sala at nakitang nag-uusap sila. Hindi lang iyon dahil may nakita akong jack daniel's doon. Nag-iinom sila! Gulat silang tumingin sa akin. Hindi siguro nila inaasahan ang maaga kong paguwi. Well, nine in the evening is not early pero kung may banda ay dapat abutin ako ng alas dose.

I looked at him. He's comfortably sitting on our couch. Hindi ko nasabi sa kanya na uuwi ako ng maaga kaya kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"You're early! Ang sabi ni Mama mo ay baka sobrang late ka na makauwi." puna ni Papa.

Lumapit ako sa kanya at bumeso. Nakatingin pa rin sa akin si Sir Ahiro. Nagtataka.

"Nauna na po akong umuwi, Pa. Baka kasi mahirapan ako makasakay mamaya, e." sabi ko. Sumulyap ako kay Sir Ahiro at ngumiti.

"Good evening, Sir.." bati ko.

"Kumain ka na ba? May niluto ang Mama mo riyan sa kusina," aniya.

Tumango ako. "Nag-iinom kayo, Pa? Akala ko po ba may pag-uusapan kayo ni Sir Ahiro?" taka kong tanong.

Humalakhak siya.

"Nako, anak. We finished discussing about it an hour ago. Nagku-kwentuhan na lang kami rito ni Ahiro. Diba, Ahiro?"

Ngayon naman ay tumingin ako sa kanya na nakatingin na rin sa akin.

"Marami ngang naku-kwento si Tito, e.." tawa niya rin.

Nangunot ang noo ko. Lasing na ba sila at tawa sila nang tawa? Hindi ko pa sana sila lulubayan kung hindi lang ako tinawag ni Mama mula sa kusina.

"Dito ka nga muna at ihango mo ang iba. Nagrequest ang Papa mo ng pulutan para raw sa kanila ni Ahiro.." aniya habang nagsasandok sa kawali.

Kinuha ko ang iilang prinito na chicharon bulaklak doon. Nagsandok na rin ako ng pagkain para kumain. Pagtapos non ay umakyat na rin ako sa taas at nag half bath. Pagtapos ko magbihis ng pantulog ay bumaba akong muli para uminom at tingnan sila pero nakita ko si Mama na nagliligpit na.

"Tapos na po sila, Ma?"

Niligpit niya muna ang pinggan na hawak bago ako lingunin.

"Patapos na sila. Mamaya ka na umakyat at tulungan mo na lang muna ako rito. Lasing na ang Papa mo pati na rin ata si Ahiro.." aniya.

Nang pumunta na si Mama sa sala ay sinundan ko siya. Lasing na nga si Papa dahil tawa ito nang tawa habang si Sir Ahiro naman ay namumungay na ang mata nang tumingin sa akin!

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now