Kabanata I

2.3K 80 4
                                    

Kabanata I

Discuss

Halos matulog na ako rito kapipikit para lang maalala ang huling formulang kinabisado ko kanina. Anak ng tipaklong! Hindi ko maalala 'yong formula for integration ng logarithmic!

Maingay akong bumuntong hininga at tumingin sa harap. Nakaupo ako sa harap at one seat apart kaming lahat. Gusto ko sanang lumingon sa likod para tingnan kung nahihirapan sina Dave at Kate kaso baka sabihin ni Sir Ahiro na nagchi-cheat ako. Nilingon ko siya na ngayo'y papunta na sa side namin sa kaliwa.

Napanguso ako nang makita ang marahan na pag-ayos niya sa relo niya. Well, he really looks like an engineer. Sa tindig at porma niya makikita mo nang may pinag-aralan. At hindi mo rin talaga siya maiiwasan tingnan dahil may kung ano sa kanya na kahit pag daan niya lang sa harap mo'y mapapatitig ka agad.

Nag-iwas ako ng tingin nang tumama ang mata niya sa akin. I'm unconsciously biting my lips because of what happened. Imbes na iniisip ang formula ay iba ang iniisip ko!

Halos manginig ang kamay ko nang makitang nasa gilid ko siya at nakatingin sa papel. I nervously laughed and looked at him. Parang gustong tumalon ng puso ko nang makitang sobrang lapit niya sa akin habang tinitingnan ang papel ko.

Nakita ko ang pagtango niya at pagngiti bago ako nilingon.

"Isa na lang, pwede mo na ipasa." aniya habang nakatingin sa akin.

Oh! His breath smells mint! And his face is just few inches away from me!

"Hehe, nakalimutan ko po formula, Sir, e. I'm still thinking, baka maalala ko po." aniko at ngumiti.

Tumango-tango siya. "You'll remember it for sure." ngumiti siya bago tumayo ng maayos at lumakad na sa ibang lugar.

Huminga ako ng malalim at napahawak sa puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Hindi ko mapigilang mapangiti sa nangyaring iyon.

At sa isang iglap bigla kong naalala ang formula. Halos tumawa ako ng malakas ng matapos ko ang quiz. I wasn't aware that all I need is our substitute prof's smile to remember the formula.

Tumayo ako at tinignan si Sir na napatingin sa akin. Pinasa ko ang papel ko at ngumiti sa kanya bago muling bumalik sa upuan.

Pagkatapos ng quiz ay agad na kaming umayos para sa discussion. It was all good. He jokes and smiles in the middle of the discussion to, maybe, lessen the tension. Hindi ko maiwasan mapangiti kapag ngumingiti siya dahil nawawala ang mata niya.

"Bilis mo magpasa ng paper kanina, ah." tukso ni Kate sa akin.

Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa school. Kaming lang dalawa dahil hindi naman sumama si Dave dahil may lakad daw siya.

"Ano nga ulit pangalan ni Sir Ahiro?" tanong ko habang umiinom ng kape.

Malakas na tumawa si Kate sa sinabi ko. "Grabe ka! Type mo si Sir, 'no! Kaya pala goodvibes ka, e."

Inirapan ko na lang siya at tumuloy na sa pag-inom. Halos mabaliw ako sa kakaisip sa surname ni Sir nang ilang linggo ko na siyang hindi makita. Sabi ay part time lang daw iyon dito dahil may trabaho sa labas.

Wala naman akong lakas ng loob para itanong kay Sir Dmitri dahil baka kung ano pa ang isipin no'n. Well, I'm just curious about Sir Ahiro.

"I was looking for you,"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Kych. Halos tumakbo ako paalis nang makitang lumapit pa ulit siya sa akin.

"Come on, don't avoid me. I asked Kate and Dave about you but they didn't know where you are. Hinanap kita at dito lang pala kita makikita sa cafeteria." ngisi niya at umupo na sa tabi ko.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagkain. Girls from different departments are looking at us. Well, not because of me but because of him.

Bumuntong hininga ako at nilingon siya.

"Hindi ka ba napapagod? I've already told you many times to stop pursuing me."

"The university already know that and I already told you that I won't stop until you like me back. Mabuti nga't wala nang nagtatangka na manligaw sa iyo bukod sa akin."

Muli akong napairap sa kakulitan niya. He has been like this for months. He has a good humor and a good guy, alright. Pero alam mo iyon, I couldn't tell if he's really serious about me. I still doubt his intentions and he's not my type!

"Kych, nangungulit ka na naman riyan! Tigilan mo na 'yan si Magdameo, wala ka riyang pag asa!" kantyaw ni Stephen sa malayo, varsity player din, isa ito sa mga engineering student na kabatch ni Kych.

"Malakas tama niyan kay Aspen," tawa ni Francis sabay tawa.

Natawa na lang sa tabi ko si Kych at napailing ako. Halos manliit ako nang makita ang mga mata ng nasa loob ng cafeteria ay nasa sa amin na at nagbubulungan.

"Bakit ba nandito?" naiirita kong tanong.

"Pasensya na roon sa kanila, ha. Hinanap kita kasi magtatanong sana ako kung pwede ka ba sa Tuesday. Laro kasi namin iyon, baka gusto mo manood?" nag-aalinlangan niyang sabi.

Tiningnan ko siya at nagsimula nang kunin ang kalat sa lamesa na pinagkainan.

"We'll see if I'm free that day," aniko at nagsimula nang maglakad para itapon ang basura.

Nakasunod pa rin siya sa akin kahit na natapon ko na ang basura at paalis na ng cafeteria.

"Mga hapon pa naman iyon. I'll text you the exact time," aniya. Tumango na lang ako at pilit na ngumiti para tigilan niya na.

"Papunta ka na sa next class mo? Ihatid na kita,"

Inis akong bumuntong hininga. Lagi na lang siyang ganito. Hindi ko alam kung na-ge-gets niya bang ayaw ko sa kanya o sadyang hindi niya alam.

Marahas ko siyang nilingon at handa na sanang sabihin na tigilan niya nang sumunod sa akin pero nagulat ako sa nakitang tao na naglalakad papalapit sa amin.

Walking with a water bottle on his right hand while talking on a phone, I finally saw Sir Ahiro. Sinundan ni Kych ang tingin ko.

"Oh, si Sir pala! Good afternoon, Sir Ahiro." bati nito nang makalapit na sa amin.

"Good afternoon po, Sir!" bati ko rin habang titig na titig sa kanya.

Tumango siya sa amin at ngumiti. Lumakad na ito ulit para lagpasan kami pero bigla siyang huminto sa harap ko.

"Hold for a sec," ani sa kausap sa phone bago muling humarap sa akin. "Are you Ms. Magdameo?" nakakunot noo niyang tanong sa akin.

Halos lumundag ang puso ko sa tuwa nang marinig ang tanong niya. He knows me? He remembered me? And he's talking to me!

"Ah, opo, Sir! Why po?" gulat kong tanong.

He nodded, "I think Sir Dmitri's been looking for you," aniya sa matigas na ingles.

I bit my lips to stop myself from smiling.

"Punta na lang po ako roon after class, Sir."

Tumango siya at muling ngumiti, "Okay. I have something to discuss with you also. See you later,"

He's my professor (Professor Series #1) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora