Kabanata IV

1.7K 75 6
                                    

Kabanata IV

Other stuffs

"Good morning!" bati ko bago bumaba ng hagdan.

Lumabas sa kusina si Mama at nakita kong may dala siyang almusal. Agad akong naghilamos at nag toothbrush bago dumiretso sa hapag.

"Magsisimba po ba tayo mamaya?" tanong ko matapos lunukin ang pagkain.

"I can't go to church later, anak. May kakausapin akong engineer. Kayo na lang muna ng Mama mo," sabi ni Papa bago uminom ng kape.

"Sinabi ko naman sayo Sebastian na ipagpaliban mo muna iyan. You can talk to that engineer tomorrow. Let this day be your rest day," ani Mama.

"Oo nga, Pa. You should rest at least. Don't stress yourself. Baka naman pumayag 'yong engineer na kausap mo na bukas na lang iyan," aniko.

"I can't say that to the engineer. Nakakahiya naman kung sasabihin kong bukas na lang kung pwede naman ngayon,"

Wala na kaming nagawa sa sinabi ni Papa. Kaya naman pagtapos kumain ay hinatid niya lang kami sa simbahan at umalis na rin para kitain ang engineer.

Inubos ko ang oras ko sa araw na iyon para gawin ang mga papel na kailangan kong ipasa. Mabilis lang naman ang misa at wala naman na kaming pinuntahan pagtapos non kaya nakauwi rin kami agad.

Medyo abala ako nang dumating ang Monday. Marami kasing pinagagawa lagi si Ms. Cruz sa amin. Minor subject lang naman pero kung magpagawa ay sandamakmak lagi! Balak ko nga sanang dumaan sa faculty para silipin si Sir Ahiro kaso narinig ko na mamayang hapon pa ang dating niya.

Kung hindi lang siguro ako muling sinadyang kausapin ni Kych ng umaga ng Tuesday ay baka umuwi na ako at hindi na nanood pa ng laro nila. Hindi ko alam para saan ang laro na iyon pero ang sabi niya ay taga ibang school ang kalaban nila.

"Tatapusin mo ba 'yong laro?" tanong ni Kate sa akin.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa gym. Nauna na ron si Dave kasama ang iba naming ka-block na kaibigan din nina Kych. Kakaumpisa pa lang naman daw sabi ni Dave kaya wala pa kaming masyadong na-mi-miss.

"Depende kung maganda 'yong laban? Ayokong gabihin, e, mahirap sumakay."

"Pero sabi panigurado raw maganda ang laban, e. Mga magagaling din daw mag laro iyong kalaban nila."

Totoo nga ang sinabi ni Kate dahil pagdating namin sa gym ay halos puno na ng tao ang loob. Mabuti na lang at nahanap namin si Dave na kumakaway sa amin sa bandang harap.

May mga taga ibang school din na naroon kaya medyo masikip na ang gym. Maingay din dahil sa sobrang init ng laban kahit umpisa pa lang. Umupo kami sa tabi ni Dave at naki-cheer na rin nang naagaw ni Kych ang bola sa kalaban. Pumwesto siya sa linyang pang three points at saka binitawan ang bola. Nagsigawan kami nang pumasok ito!

Nakita ko kung pano lumibot ang mata ni Kych sa hilera namin at tumigil iyon sa akin. Ngumiti siya at tinuro ako bago muling tumakbo para maglaro.

"Nakakainis ka bakit hindi mo na lang sagutin 'tong si Kych!" tili ni Kate habang inaalog ako.

Pinalo ko siya ng pabiro at tumawa na lang. Habang nanonood ay may biglang kumalabit sa akin. Nilingon ko iyon at nakita kong si Mylene.

"Tawag ka ni Ms. Cruz, punta ka raw faculty." bulong niya sa akin.

Tumango ako at kinalabit si Kate para magpaalam. Nang matapos magpaalam ay tumayo na ako at sinundan si Mylene na naglakad sa gilid. Kailangan muna naming makapunta sa pinakagilid para makalabas dahil naroon ang isa sa mga pintuan palabas.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now