Kabanata XIV

1.4K 42 1
                                    

Kabanta XIV

Option

"Uy.. Nakita niyo ba 'yon? Andon ulit 'yong babae, pumunta sa faculty!"

"Parang araw-araw na lang 'yon, ha? Baka naman talagang girlfriend ni Sir Ahiro?"

"Siguro nga. Hindi naman siguro pwedeng pipitsugin ang jowa non ni Sir. Gwapo tsaka engineer, e."

"Architect daw 'yon?"

Huminto ako sa pagkain at umalis na doon sa cafeteria para pumunta sa field at mapayapang makapag-isip.

Usap-usapan na sa school iyon. Simula nang marinig ko kay Mylene na nakausap niya ito sa parking lot ay naging sunod-sunod na ang balita na bumibisita ito roon.

Hindi ko na tinanong tungkol doon si Ahiro dahil siya na mismo ang nagsabi. Para raw iyon sa project na bago at dahil may mga concerns din sa kompanya nila kaya may mga papeles na dinadaan sa kanya. But I couldn't ask him if it's really necessary for her to go here almost everyday just for that.

"Bakit ba kasi tingin yan nang tingin dito? Tutusukin ko na mata niyan. Nung nakaraan pa yan, e. Nakakairita na." sabi ni Kate.

Nandito kami ngayon sa room at hinihintay ang prof namin.

"Maybe she's checking me out?" halakhak ni Dave.

Agad siyang sinimangutan ni Kate.

"What's her deal?" tanong ni Kate at hindi na napigilang ituro si Mylene.

Ngumiti lang ito sa amin at muling bumaling sa katabi. Hindi ko na magawa pang magsalita dahil natatakot ako. I'm scared she knows my secret. I have a hunch but I don't want to dwell on it because I'm too scared to know that I'm right.

Natapos ang klase namin sa araw na iyon. Nagyaya si Kate na umalis pero hindi ako nakasama. May plano kasi kami ni Ahiro na kakain kami sa labas. He can't teach me how to cook nor paint a portrait because he's way too busy.

"How's your day?" tanong niya at inayos ang upuan nang makaupo na ako.

Hinayaan ko munang makaupo siya sa harap ko bago ako magsalita. Like usual, we have our own room in this restaurant. Reserved only for us.

"Fine.. Ikaw ba? I heard.. Aria went to school earlier.." normal kong sabi.

Tumigil siya at naninimbang na tumingin sa akin. Our dinner is served. Nagsimula na akong kumain.

"Yes.. Dinaan niya lang ang mga papel na kailangan ko,"

"Do you always see each other? Or talk?"

Nagpatuloy ako sa pagkain habang siya ay hindi pa. Abala sa pagtingin sa akin.

"I talk to her often these days lalo na't marami ang ginagawa sa trabaho..."

Tumango ako. Kahit pa marami ang gustong itanong ay hindi na ginawa pa. Pinilit kong maging normal sa gabing iyon kahit pa marami na ang pumapasok sa isip ko. Agad akong natulog nang makauwi sa bahay.

Papunta ako sa faculty ngayon at pinilit isantabi ang mga alalahanin. I want to at least help him with his papers to lessen his stress. He's been busy for the past few days and will likely to be busier for the upcoming days. Lalo na't nalalapit na ang fieldtrip at finals namin.

Agad akong umupo sa tabi at binaba ang bag ko. He smiled at me and pulled my chair closer to him. Agad ko siyang hinampas sa ginawa niya at luminga sa paligid. Kahit pa may harang sa likod namin ay takot pa rin ako na baka may nakakita sa ginawa niya.

"Someone might have seen what you did!" bulong ko habang pinapakalma ang sarili.

He chuckled and proceed on what he's doing. Nakabukas ang laptop niya at kita ko ang wallpaper niya dahil naka-minimize ang powerpoint doon. I haven't asked him about it but I don't think I should.

He's my professor (Professor Series #1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora