Kabanata XIX

1.3K 48 0
                                    

Kabanata XIX

Meet

It was not easy to trust. Again. However, Tyron did everything just to make me trust him. Everytime he'd approach me, he'll remind me of the things I should know. Kung anong ganap sa school, kung kailangan ko ng tulong sa ibang subjects ay tinuturuan niya ako, maski ang mga reports ko ay tumutulong din siya.

I didn't like him at all. Pero makwento siya na minsan ay napapasabay na rin ako at nakakalimutan kong hindi ko dapat siya kinakausap. He jokes often and laugh too much. Sa totoo lang ay masaya siyang kasama.

Months have passed and he's still not giving up. Those months turned into years and so on. After my EQE, an exam that would decide if I can still take up my course, he became my only trusted friend and eventually became my bestfriend. And when I finally I accepted him as part of my life, I wore the dress he gave me.

When Tyron became my bestfriend, everyone in our school didn't dare to touch nor talk to me, especially the boys. Usap-usapan nga ay nobyo ko raw itong si Tyron na ipinakalat ni Patrcia. When the boys asked me about that, I didn't answer. Pero hindi ko rin iyon tinanggi pati na rin ni Tyron. We let them assume that what they're thinking is true. Sa ganoong paraan ay naging mapayapa ang pag-aaral ko roon.

For the past summers and breaks, my family would visit me. Noong una ay may ilangan pa sa amin pero noong nagtagal na ay nawala na rin. Nagbabakasyon sila dito kapag may oras at laging inuubos ang oras sa dagat. Pero naging madalang na iyon dahil naging abala sila sa negosyo na tinayo ni Papa. Kuya Alif still visit me when he have spare time. Niyayaya nga nila ako na magbakasyon sa ibang lugar pero hindi ako pumayag. No one dare to mention what happened years ago nor ask me if I'm okay.

Kuya Alif never asked me. Pero kapag nandito siya ay lagi niyang pinaparamdam na pu-pwede ko siyang sandalan at pagsabihan ng problema ko.

Isang beses lang nakadalaw sina Dave at Kate rito. They were too busy in school, just like me. Nagustuhan nila ang isla. We spent those days in the beach. Si Tyron ang naging tour guide namin. The first time I actually went out to stroll and appreciate the beauty of the island.

When I finally passed my boards, we celebrated here in Siargao. Kaunting salo-salo at inimbitahan ang mga kapitbahay. Kate and Dave had their own celebrations. Nagpatarpauline pa nga sina Lolo Tunying at Lola Tina.

"Nakakahiya naman po Lolo. Ang laki-laki ng mukha ko riyan..." sabi ko habang tinuturo ang nakasabit na tarpauline sa mismong gate ng bahay!

Sina Lola at Mama ay abala ngayon sa pagaasikaso ng bisita na pumapasok sa bahay.

"Nako, apo! Huwag mong ikahiya iyan, nakapasa ka at isa ka pa sa top ten! Proud na proud kami ng Lola mo sayo!" ani Lolo.

"Oo nga naman, anak. Ikaw lang ata itong nahihiya na nakapasa, e.." sabi ni Papa at humalakhak.

"Alam mo naman ang anak mo, Sebastian.." biro ni Lolo.

Inakbayan ako ni Kuya Alif at kinurot ang pisngi ko. Agad kong pinalo iyon at sinimangutan siya.

"We're very proud of you..." bulong niya at humigpit ang akbay sa akin.

That day was so overwhelming. Maraming bumabati sa akin at pinupuri ako. It was tiring but still a great day for me. Nang matapos ang araw na iyon ay nagpaalam akong pupunta saglit sa dagat 'di kalayuan sa bahay.

Sinamahan ako ni Tyron. His family is also invited. Wala nga lang ang kapatid niyang lalaki na mas bata sa akin ng ilang taon dahil nag-aaral sa Manila. Nang dumating kami roon ay agad siyang nangolekta ng kahoy habang ako ay dumiretso malapit sa dagat. May mga turistang naroon at naglalakad. Ang iba naman ay nagkakasiyahan.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now