Kabanata XXVIII

1.3K 46 0
                                    

Kabanata XXVIII

Fight

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko na may iilang tao na roon. Tumayo si Papa na nakaupo sa kabisera. Sinalubong ako. Binati ko ang iilang nandon din. Hindi iyon nagtagal dahil narinig ko ang pagsalubong din ni Papa sa iilang dumating na panauhin.

Agad akong tumayo sa kung saan ako dapat uupo. Saka ko sila nilingon at nakita ko agad ang mata sa akin ni Ahiro. Galit na tingin ang ibinalik ko sa kanya bago umiwas.

Wala na ako sa sarili habang nagpapakilala sila sa amin isa-isa. Hindi pumapasok sa utak ko ang pangalan nila dahil puno na ito ng galit para sa isang tao na nasa harap ko. Ang alam ko lang ay parte sila ng kompanya at wala na akong naintindihan na iba pa.

"This is Engr. Alif Magdameo, my son. And this is my daughter..."

And not to mention Aria's standing beside him! Bakit hindi na lang sa tabi noong matanda at bakit pa siya sa tabi ni Ahiro tumayo?! At hindi lang iyon, halos mapairap ako nang makita ang pag-upo pa nito sa tabi ni Ahiro!

Nang mapatingin ako kay Ahiro ay nakatingin ito sa akin ng seryoso. Tumaas ang kilay niya na mas kinanuot ng noo ko. Mas lalo akong nainis at nanggalaiti nang makita ko pa kung paanong mabilisan lumapit si Aria sa kanya at may ibinulong! Nag-iwas ako ng tingin.

"Shall we start?" sabi ni Papa.

Inumpisahan na ang usapan tungkol sa balak ng dalawang kompanya. Sinubukan kong intindihin ang mga sinasabi nila pero hindi ako makasabay lalo na't madalas akong napapasulyap sa dalawang nasa harap ko.

Gumanti si Ahiro sa tingin ko. I glared at him before looking away. Pero ilang sandali lang ay hindi ko na ulit naiwasang tumingin sa kanya. May sinabi si Papa na ikinatawa ng mga tao na naroon maliban sa akin dahil wala ang atensyon ko roon sa sinabi niya.

I saw how Ahiro laughed. Ganon pa rin tuald ng dati, nawawala ang mata kapag ngumingiti at tumatawa. Pati si Aria na nasa tabi niya ay tumatawa. Napasulyap ito sa akin at nakita akong nakatingin pero agad na nag-iwas ng tingin at may sinabi kay Ahiro. Nakita ko ang muling pagtawa nito.

Mas lalo akong nainis at maingay na napabuntong hininga.

"Mamamana naman ito ni Alif. And by then, inaasahan kong irerenew niyo ang contract?" natutuwang sinabi ni Papa.

"Naku! That's good! Bata pa lang at nandito na para alam na ang pagpapatakbo ng kompanya.." sabi noong matandang lalaki na pinakilala sa akin kanina.

"Oo ganun nga. Parang itong si Ahiro.. Bata pa lang ay nagsimula na sa kompanya tutal siya rin naman ang magmamana.." si Papa at lumingon kay Ahiro.

Napatingin ako kay Ahiro. Nakatingin ito kay Papa at nakangiti.

"Marami ring advantage kapag nag-umpisa ng maaga.." tango ni Ahiro.

"How about your daughter, Engineer? Mabuti at pumayag naman siya na kay Alif mapunta ang kompanya? Your daughter can also manage your company...." sabi ulit noong matanda.

Ngayon ay napatingin na ako sa kanya. Tipid akong ngumiti nang magawi ang paningin niya sa akin.

"She's okay with it. Wala namang problema kay Aspen kung ang Kuya niya ang magmana..." sabi ni Papa at tingin sa akin.

Tumango ako at muling ngumiti.

"Nako.. You have talents, ija. What are your plans, then?" sabi noong matanda.

"I'll work under Kuya Alif's supervision. Wala naman pong kaso sa akin kung siya ang papalit kay Papa.." sabi ko. "I can build my own company behind Kuya's back..." I joked.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now