Kabanata XXIV

1.3K 47 0
                                    

Kabanata XXIV

Coffee

Hindi ko na siya ulit nakausap pa. Tuwing umaga na ako bumibisita ng site at nakikita ko siya roon. However, I am always scared to talk to him. Minsan ay naglalakad na ako papunta sa kanya pero biglang magbabago ang isip ko pag malapit na ako sa kanya. Liliko ako at sa iba pupunta. Minsan naman ay nilalagpasan ko siya at hindi na lang pinapansin

Naduduwag ako palagi. Pero nagkaron ng pagkakataon na hindi ko na talaga kailangan pa mag-isip ng excuses para makausap siya. Kung kailan naman nagkaron ako ng alibi para makausap siya, mas lalo akong naduwag.

"Pwede namang ikaw na lang, ah? Pumunta ka sa site at iexplain mo rin sa kanya!"

"Sige na, ikaw na. Alam mo namang may kailangan pa akong tapusin na design. 'Tsaka pupunta rin naman ako roon kapag nakaluwag na sa sched." sabi ni Tyron.

Nangunot ang noo ko. "Lagi ka na lang busy. Baka naman iba ang pinagkakabusy-han mo? Isa pa, sasaglit ka lang naman doon, mabilis lang naman iyan kaya bakit ako pa?"

"That's the point. Saglit lang naman na ieexplain. Why should I waste my time when I can explain it to you right now at ikaw ang mageexplain sa kanya? Don't tell me your feelings for him-"

"Shut up! I can talk to him about that but it ain't fair! Malay mo ay iba pa ang masabi ko. Mas ayos nang galing sa iyo para-"

"I trust you and your words, Aspen. Ilang taon na kitang kilala. Isa pa, what I told you was so simple. May babaguhin lang ng kaunti sa design sa loob ng bahay. So some materials might change. Sasabihin mo lang kung saan don.. What's so hard about that?"

Tinitigan niya ako nang hindi ako sumagot. Nag-iwas ako ng tingin. Natawa siya sa akin.

"Tinanggap mo ang project na ito, you can't avoid him forever. Mag-uusap at mag-uusap kayo kahit anong mangyari.." natatawa niyang sinabi.

Inirapan ko na lang siya at pagalit na kinuha ang sinasabi niya. Kinausap kasi siya ni Mrs. Go at may iilang pinabago. Sabi naman ni Tyron ay kakausapin din kami ni Mrs. Go tungkol doon pero sinadya niya na si Tyron na lang muna ang kausapin para mabago na agad at maibigay na sa amin.

Nilibot ko ang mata ko sa site. Hindi ko nakita si Ahiro. Kaya naman nang mapadaan at matanaw ko si Engineer Marco ay agad ko itong tinawag.

"Engineer! Good morning," bati ko ay huminto.

Huminto rin ito at nginitian ako. "Good morning, Engineer. Napapadalas ata ang punta mo tuwing umaga?" puna niya.

Natawa ako sa sinabi niya dahil totoo iyon. Sa kagustuhan kong makita si Ahiro at makausap ay madalas na akong umaga na pumunta rito dahil madalas ay ganong oras siya pumupunta.

"Nakita mo ba si Engineer Takahashi?"

"Nasa loob siya ang alam ko. Tinitingnan ang mga bakal at kahoy na nagamit na,"

Pumunta ako sa loob at hinanap siya. Nakita ko siya na may mga kausap na trabahador. Nang makita na papalapit na ako ay nakita ko na may sinabi siya sa mga ito at unti-unti na itong umalis.

Hinintay niya akong makalapit sa kanya tila alam niya nang kakausapin ko siya. Ang makitang nakatingin siya sa akin ay para akong lumulutang habang naglalakad. My steps are too light that I can't even feel it. Ramdam ko rin ang pagtulo ng pawis ko dahil sa init at sa kaba.

Huminto ako nang tama na ang distansya namin.

"May gusto raw ipabago si Mrs. Go sa loob ng bahay sinabi sa akin ni Tyron kahapon. He couldn't come here so he asked me to explain it to you instead," kinakabahan kong sinabi.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now