Kabanata XXI

1.2K 49 0
                                    

Kabanata XXI

Design

Wala pang isang minuto ang lumilipas simula nang sabihin ni Mrs. Go na malapit nang dumating si Ahiro ay hindi na ako magkandaugaga! Hindi ako mapakali sa kinauupuan at balisa!

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na mapigilan ang paginom muli sa tasa. Saktong sakto ay nakita ko ang paglaki ng mata ni Mrs. Go habang nakatingin sa aking likod! Tumayo ito at narinig ko ang iilang yapak malapit sa akin.

"It's good to see you here, ijo!" ani Mrs. Go.

Nasamid ako sa iniinom na kape. Nilapag ko ang tasa. Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang labi ko. Hindi ko na nagawa pang sumulyap sa kanila dahil sa kaba. Nagkape na ako sa opisina, bakit pa ba ako nagkape rito? Masyado na akong kabado! Too much caffeine isn't really good! I feel I might have a heart attack any minute now!

"Hindi nga ako nagkamali at pumayag itong si Aspen!" masayang sinabi ni Mrs. Go. "Please take a seat, ijo!"

Inilahad ni Mrs. Go ang upuan sa tabi ko. Agad kong kinuha roon ang handbag at nilapag sa hita ko. Naramdaman ko ang paninitig niya sa akin at ang pag daan nito sa likod ko. Tumuwid ako sa pagkakaupo nang hinila niya ang upuan sa tabi ko at umupo roon.

Dahan-dahan pa ang paghinga ko dahil sa kabang nararamdaman. Hinawakan ko ang tasa at iniangat iyon para uminom. Pero agad kong inalalayan ng isa pang kamay nang manginig ito. Pinangalahatian ko iyon kahit mainit. Inilapag ko iyon sa harap ko at tumingin lang ng diretso kay Mrs. Go na nasa harap ko nakaupo.

"So.. should we start talking about how everything will go? Ang kaso nga lang ay wala pang magdedesign ng bahay namin. My husband and I have already talked about how our house will look like.. Perhaps Architect Tyron could design it?" sabi nito sa akin.

Nanginginig man ang labi, ngumiti ako at tumango. "He'll be glad about that, Mrs. Go. Sasabihin ko na lang sa kanya agad para makausap na ninyo siya,"

"So I don't have to worry about my architect, then?" tawa nito.

Tumango ako. Sinubukan tumawa at umaktong normal kahit pa hindi mapakali dahil sa katabi. If I stretch my left hand, I can reach him! Kakaunti lang ang espasyo sa gitna naming dalawa!

"Thank you to both of you for agreeing with this set up. Akala ko ay mahihirapan ako. Naisip ko namang masyadong busy na itong Aspen kaya baka mahirap kung hahayaan kitang mag-isa rito. Mabuti na lang at pumayag din itong si Ahiro!"

"Dapat hindi niyo na po inalala iyon. I can actually do this alone... pero ayos lang naman kung may kasama," dahan-dahan kong sinabi.

"Huwag mo nang problemahin iyon. And this is also a good thing! Parehas kayong civil engineer, Engineer Ahiro could broaden your knowledge and you'll learn a lot from him, 'di ba?" aniya sabay lingon sa tabi ko.

Hindi ko napigilan ang pagsulyap sa kanya. Nakita ko ang pag-igting ng panga at malamig na ekspresyon. He smiled a little when he looked at Mrs. Go.

"Of course, I can help her only if she's willing to let me do that.." he looked at me and I saw his expression hardened.

"Bakit naman hindi, 'di ba, ija?" ani Mrs. Go.

Napakurap ako. "Syempre naman.. I'll be g-glad to learn from you, E-Engineer.." nauutal kong sabi at umiwas ng tingin.

"Really? Are you also glad to be working with me? O baka naman napipilitan ka lang?" malamig niyang sinabi.

Nakagat ko ang labi ko. Kumunot ang noo. Agad siyang nilingon. Kahit pa sobrang nadidistract ako na ganito siya kalapit sa akin ay sinubukan ko pa ring labanan ang titig niya.

He's my professor (Professor Series #1) Место, где живут истории. Откройте их для себя