Kabanata IX

1.6K 62 0
                                    

Kabanata IX

Secret Admirer

Medyo naging busy ako bago dumating ang araw ng preparation sa foundation. Pinagkasya kasi ng ibang prof ang mga gawain dahil daw walang pasok next week.

I wore a denim high waisted shorts with a black belt. Naka tuck in ang pastel pink plain t-shirt ko. Pinaresan ko iyon ng puting sapatos. Slim bag lang ang dinala ko dahil mag-aayos lang naman kami ngayong araw. Hindi na ako nag pants para madaling gumalaw kapag may aakyatin o ano pa.

Pagkarating ko sa faculty ay naroon na silang lahat, nakaupo at nag-uusap-usap. Naroon na ang lahat ng prof at ang mga student na kasama namin para sa pag-aayos. Sina Kate at Dave ay susunod na lang daw dahil kagigising lang.

Sumulyap ako kay Sir Ahiro na ngayon ay nakatingin na sa akin. I smiled at him before taking a seat beside Mylene. Habang ina-assign na kami sa kung saan at kung sino ang mga kasama ay bigla kong naalala ang nangyari noong isang gabi. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Lumingon ako kay Sir Ahiro. Nagkatinginan kami. His right eyebrow raised as if asking me what I was thinking. Umiling lang ako sa kanya at muli nang nakinig sa sinasabi ni Mrs. Gonzales.

Medyo matanda na si Mrs. Gonzales kaya hindi na siya gaanong nagkikilos pa. Ide-decorate namin ang iilang facilities at aayusin ang stage roon. Medyo marami kami kaya hindi na rin siguro kami mahihirapang ayusin iyon.

Matapos ng pag-uusap ay agad na kaming tumayo at nagsimula nang kunin ang mga kakailanganin.

"Ikaw na ang magdala ng box na iyan, Aspen, ha. Ako na rito sa isa pang box." sabi ni Mylene sa akin.

Tumango ako bago kunin ang box na iyon. Pero nagulat ako nang biglang kunin iyon ni Sir Ahiro!

"Ako na rito.." aniya at naglakad na palabas.

Sumunod ako sa kanya. He's wearing a white t-shirt and a maong pants partnered with a white shoe! Ang simple lang ng damit niya pero ang lakas sobra ng dating. And this is the first time I saw him looking like this! Palagi siyang naka long sleeves at slacks o di kaya'y pantalon! Ngumuso ako. Parang kahit ano namang suotin nito ay bagay sa kanya.

Agad kaming nagsimulang mag-ayos. Medyo nahirapan kami lalo na't naglinis muna at may mga inurong. Mabuti na lang at marami kaming lalaki na kasama.

"Sir, saan po namin ilalagay itong mga upuan?" tnaong ni Dave.

Kararating lang nila kani-kanina rito. Medyo traffic daw kaya natagalan din sila.

"Igilid mo na lang muna riyan dahil baka gamitin mamaya kapag nagdecorate na," sabi ni Sir Dmitri.

Kasama rin namin dito si Ms. Cruz na abala namang tinitingnan ang mga gamit kung kumpleto na ba iyon.

Nakita ko si Sir Ahiro na walang kahirap-hirap na binuhat ang mga upuan para ilagay sa gilid!

"Grabe, sobrang lakas naman pala ni Sir?" tanong ni Mylene na parehas din palang nakatingin kay Sir Ahiro. Nagwawalis pa lang kami at tinatanggal ang mga bagay na hindi na dapat naroon malapit sa stage.

Muli itong bumalik para bumuhat pa ng ibang upuan. Mas lalo akong namangha sa kanya dahil doon.

"Swerte ng magiging girlfriend ni Sir Ahiro, 'no? Tingnan mo naman nasa kanya na lahat. Matalino, gwapo, matangkad at higit sa lahat gentleman!" dagdag pa ni Mylene.

"Sobrang swerte lang talaga..." ngiting-ngiting sabi ni Kate at sumulyap sa akin.

Pagtapos naming magwalis ay agad naming kinuha na ang mga gamit at nilagay sa table malapit sa stage. Kailangan namin lagyan ng palamuti ang stage at mga letra roon.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now