Kabanata XVII

1.2K 42 0
                                    

Kabanata XVII

Love

Namumula ang mata ni Mrs. Takahashi. Nagpupuyos sa galit. Habang ako ay umiiyak at patuloy na nagtatalo ang isip sa kung ano ang dapat gawin.

"Let go of him! My son deserves everything! Lahat ng paghihirap niya ay mawawala na lang 'yon bigla dahil sa'yo. Because he wants to stay in this school instead of focusing in our own company!" naghihisterya niyang sinabi.

It's hard to love when everyone around you is against it. Ang hirap pagpilitan at ipaglaban ng pagmamahal kung ito na mismo ang may problema. Sometimes even if you don'tq want to let go of the person you love, you have no other choice but to do it. Hindi lang basta mahal mo ang tao ay okay na ang lahat. Hindi maiiwasan na may mga problema na kahaharapin.

But in our case, it's me. It's me who will cause a big problem for the future of the people I love. They will suffer big time if I choose to be selfish, if I follow my own heart. I don't want that to happen. If it means sacrificing my own happiness just to stop all this mess, then I'll do it. Ayokong sila ang magdusa para sa kagustuhan ko.

"Iwanan mo ang anak ko and I'll leave your family alone!"

Humikbi ako at unti-unting tumango. Wala nang lakas pa. Nakakahiyang isipin na sa unang pagkakataon na makikita ko ang ina ng taong mahal ko ay sa ganito pang pangyayari. Akala ko ay makikita at makikilala ko siya sa magandang pagkakataon pero hindi pala. Hindi ko pa siya kilala at hindi niya pa ako kilala pero agad niya na akong kinamumuhian. I don't have enough time to prove myself to her. She already made her decision. She wants me out of Ahiro's life.

Narinig namin ang pagbagsak ng pintuan. Lumipad ang tingin ni Mrs. Takahashi roon at ako naman ay agad na nilingon ang gilid.

Naroon si Ahiro hawak ang pintuan, galit at madilim ang tingin. Lumipad ang tingin niya sa akin at mas lalong gumuhit ang galit sa mukha nang makita ang itsura ko. Mabilis na tumingin siya kay Mrs. Takahashi na ngayon ay gulat din kagaya ko.

"Son.. W-What are you doing-"

"Mama! What have you done!" galit na sabi niya habang mabilis ang lakad patungo sa amin.

Agad na akong napatayo. Si Mrs. Takahashi naman ay tumayo na rin para sana salubungin ang anak pero nilagpasan siya nito at pumunta sa akin! Nag-aalala niyang tiningnan ang aking mukha bago galit na bumaling sa kanyang ina.

"What did you tell her? Mama naman! Napag-usapan na natin ito..."

"A-Anak... Ayaw ko lang na masayang ang pinaghirapan mo-"

"It's my decision to make, Mama! I told you I have already decided and no one can change it,"

Lalapit sana ito sa amin pero agad na akong hinatak ni Ahiro papaalis doon. Kahit pa puno ng luha ang aking mata ay nakita ko ang gulat na mga mukha nila Dave at Kate na nakatayo malapit sa pintuan.

Hindi na nila ako nagawa pang kausapin dahil tuloy-tuloy ang lakad namin paalis doon. Maggagabi na pero may iilang estudyante pa rin akong nakita.

Ang iba ay gulat at nagbubulungan nang makita kaming dalawa!

"Oh my gosh, totoo pala 'yong rumor?"

"So si Sir Ahiro 'yong prof?"

"Hindi ko alam, baka may iba pang prof?"

"Maybe she did it for grades? Alam mo na, baka bagsak? Pero alam ko matalino siya, e?"

"Nakakahiya naman. Siguro ay marami na ang prof na inakit niya?"

"Sayang si Aspen no? Ganda pa naman.."

Mas lalo akong naiyak sa iilang bulungan na narinig ko. Pero bigla naman iyong tumatahimik bago pa kami lumagpas. Sinubukan kong takpan ang mukha ko pero hindi iyon naging sapat para hindi nila ako makilala.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now