Kabanata XXXIII

1.8K 45 3
                                    

Kabanata XXXIII

Like

"Ang aga niyo naman masyadong gumising, apo. Akala pa naman namin pag-uwi rito'y tulog pa kayo." tawa ni Lola Tina.

"Ano naman ang masama sa paggising ng maaga, Tina? Hayaan mo na sila at baka mag-iikot ang mga 'yan sa isla." sabi ni Lolo Tunying.

Humagikgik si Lola Tina. "Mag-enjoy kayo, ha. Ilibot mo itong si Ahiro, Aspen..."

Tumango ako at muling sumubo ng pagkain. Sumulyap ako kay Ahiro na ngayon ay nakatingin at nakataas ang kilay sa akin.

"Bakit?" I mouthed.

Umiling siya at nagulat ako nang pinunasan niya ang gilid ng labi ko bago magpatuloy sa pagkain. Narinig ko ang hagikgik ni Lola Tina sa harap namin kaya agad ko siyang nilingon.

"Ganyan na ganyan din kami ng Lolo mo dati..." tawa ni Lola Tina.

Napangiti ako at napatingin kay Lolo Tunying na patuloy pa rin sa pagkain.

"Mamaya ka na riyan maghugas, Inday. Sumabay ka na sa amin sa pagkain.." alok ni Lola.

Sumulyap sa amin si Inday at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya bago umiwas ng tingin sa amin. Napakurap ako.

"Mamaya na lang po. Sige po, sa k-kwarto muna ako.." aniya.

Sumulyap siya muna sa amin bago nagmamadalin at natatarantang umalis doon. She was here last night. Did she hear us? Parang gusto kong lamunin ng lupa sa kahihiyan sa naisip kong 'yon. It was not my intention to moan loudly. I just can't control my voice.

Nakumpirma ko nga na may alam siya dahil nang tinawag ko siya para tanungin kung nasaan sina Lola at Lolo noong bandang tanghali ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya.

"Pumunta lang po riyan sa kapit-bahay. B-Babalik din daw po agad..." nahihiya at hindi makatingin na sabi niya sa akin.

"O-Okay..." I said awkwardly before going to my room.

Nasapo ko ang noo ko sa kahihiyan. Sasabihin niya kaya kay Lolo at Lola ang tungkol don? Siguro naman ay hindi 'di ba? She's too shy and embarassed to even talk to me so why would she tell my grandparents about that matter? Napabuntong hininga ako at iwinala na sa isip ko ang bagay na 'yon.

We spent our remaining days strolling around the island. We spent our time enjoying the beach just like what Lola ans Lolo told us. Sa iilang pagligo namin sa beach ay kasama namin sila pero ngayon ay mas nauna na silang umuwi para raw maghanda ng kakainin namin mamaya.

Today is our last day, our flight is tomorrow morning kaya naman ay sinusulit na namin ito.

"Do you know how to use this?" he asked.

Ngumuso ako at natawa sa tanong niya.

"Sa tinagal-tagal ko rito, hindi ko na-try magsurf. Maybe I should try it now?" tawa ko at kinuha na ang nirentahang surfboard mula sa kamay niya. "Marunong ka ba nito?" tanong ko at umupo sa puting buhangin.

I removed my white cover up beach dress. Tumaas ang kilay niya at hinagod ako ng tingin.

I am wearing a white two piece while he's wearing a board shorts without any top on. Nilapag ko ang hinubad sa mga gamit namin bago umpisahang ilagay sa paa ko ang leash ng board. Nang matapos ay tiningnan ko siya na pinagmamasdan lang ako habang hawak-hawak pa rin ang surfboard niya.

"What? Ayaw mo ba i-try? Bahala ka. Punta na ako roon, ha.." I giggled before standing up.

Kinuha ko ang board at mabilis na pumunta sa tubig. Lumangoy pa ako ng kaunti bago ko subukang palutangin ang board. Nilingon ko kung saan ko iniwan si Ahiro at nagulat ako nang makita na naglalakad na rin siya papunta rito!

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now