Kabanata XXIX

1.7K 51 1
                                    

Warning: Contains matured scenes. Read at your own risk.

Kabanata XXIX

Always

Dire-diretso ako sa bahay papunta sa kwarto ko at binuhos doon ang iyak. Sobrang naiiyak ako sa galit. Lalo kapag naaalala ko ang nangyaring sagutan namin kanina ay mas bumubuhos ang luha ko!

Sinundan niya talaga ako para labg ipamukha na tumutulong si Aria sa kanya habang wala kami sa site?! The way I understand what he said... Sinasabi niya na madalas akong wala roon at bumibisita lang kapag kasama si Tyron! He's lowkely saying that I can't visit the site without Tyron accompanying me! Ilang beses lang naman iyong nangyari! E siya?! Bakit hindi siya makapunta sa site at laging si Aria! She's not even part of the project! How dare she!

Alam kong arkitekto rin siya pero ang pakielaman ang project ng iba na hindi naman kanya? I can sue her when things go wrong because of her! We have our own architect! Hindi na namin kailangan ng isa pa!

Dahil sa kagustuhan kong ipakita kay Ahiro na hindi ko kailangan si Tyron para bumisita roon, pumunta ako sa site umagang umaga para ipamukha sa kanya iyon!

Galit pa rin ako. However, I am so eager to prove myself to him. I want to prove that I can go here without anyone's permission! At lalong lalo na kahit walang kasama! I am an independent woman and I can prove it to him!

Taas noo akong naglakad. Ngayon ay ineexpect ko nang makita si Aria. At hindi nga ako nagkamali! Mas lalo akong nanggalaiti sa galit nang makitang magkasama pa sila sa tent!

Imbes na roon dumiretso, sa loob ng bahay na ako pumunta. Hindi ko alam kung nakita ba nila ako o hindi, at wala akong pakialam!

Habang naglalakad ay nakita ko si Engineer Marco na papalabas galing sa loob ng bahay. Agad siyang ngumiti nang makita ako.

"Ang aga mo ata, Engineer?"

"Hindi rin naman ako magtatagal dito ngayon..." mahinahon kong sinabi.

Tumango siya. Ngayon ay nagaalinlangan ang tingin sa akin. "I heard something happened last week?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Alam kong narinig niya siguro iyon sa kaibigan o sa kung saan man.

"May problema ba rito sa trabaho?" muli niyang tanong.

Tumikhim siya nang hindi ako sumagot. He smiled. "That happens often..." tangu-tango niyang sinabi.

I wanted to ask him about Aria, his opinion of her presence here. Pero hindi ko na iyon isinatinig at ngumiti na lang sa kanya.

Nakita ko na magsasalita pa sana siya pero natigil dahil sa nagsalita sa likod ko.

"Can I talk to you?" rinig ko ang nagsalita sa likod ko.

Kahit hindi ko lingunin, alam ko na kung sino iyon. Engineer Marco excused himself to leave us alone. Napahinga ako ng malalim at nilingon siya. Nakitingin siya sa akin ng seryoso ngayon.

"If you want to ask where Tyron is... Hindi ko alam. And I guess you don't need his help since we've got another architect here?" I sarcastically said.

Nakita ko ang paghinga niyang malalim. Nakita ko si Aria na ngayon ay nakahalukipkip at nakatingin sa amin mula sa tent.

"Calm down. I want to talk about this matter-"

"Wala nang kailangan pag-usapan pa, Engineer. Forget about what happened last week-"

"Is that how you work professionally? Forgetting and not resolving it?" nagagalit niyang sinabi.

He's my professor (Professor Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon