Kabanata XIII

1.5K 48 0
                                    

Kabanata XIII

Trust

Naging busy kami pagdating ng next week. Hell week since it's our midterm exam. Puro review at bahay muna at walang gala.

When the exam finally ended, we had to treat ourselves because of our hardwork for this week! Kumain lang naman kami at nagkwentuhan lang para sa nalalapit na fieldtrip.

"Parang ang alanganin ng fieldtrip ng department natin? Dapat nong first sem na lang, e.." sabi ni Dave.

"Well... At least magsasaya muna bago sumabak ulit sa gyera. Pero next next week pa naman iyon diba?" ani Kate habang umiinom ng milktea.

Tumango ako. "Mas okay na rin 'yan. Para next month kapag nag finals tayo hindi tayo gahol sa pagre-review." aniko.

"Sabagay, mahirap naman kung next week after fieldtrip mismo ang exam, buti na lang naisipan nila na two weeks before exam iyon ganapin." ani Kate.

"Pero alanganin pa rin.." pagpupumilit ni Dave.

Umiling na lang ako at natawa nang batuhin siya ni Kate ng tissue at umirap.

"Tayo ang magkatabi sa bus, ha." sabi ni Kate at pinanlakihan ako ng mata.

"Ha? Paano itong si Dave? Sino katabi mo?" baling ko sa kanya.

"Hindi ko na kailangan mag hanap, sa gwapo kong ito?" aniya sabay ngisi.

Humalukipkip si Kate sa akin. "Bakit? May iba ka bang balak katabi bukod sa akin? Baka naman si..."

Hindi niya na tinuloy ang sinasabi at unti-unting ngumisi. Umiling ako sa kanya para agad na itanggi ang sinasabi.

"Hindi nga," sabi ko.

"Hindi naman ata pwede 'yon?" sabi ni Dave.

"Pwede kaya! Liban na lang kung prof din ang katabi niya ron. Pero kung hindi..." aniya at tumingin sa akin.

That won't be possible. I don't want to entertain the idea of sitting next to Sir- I mean, Ahiro in a bus with my blockmates! Gusto ko man pero hindi iyon pwede at malamang ay prof din ang katabi niya. Maybe Sir Dmitri? Imposibleng hindi iyon si Sir Dmitri diba? Sila ang laging magkasama at magka-vibes. Maliban na lang kung may sisingit at mauunang umupo sa upuan na katabi ni Ahiro? Binagabag ako ng kaisipang iyon.

"Are you okay?" tanong ni Ahiro na ngayon ay nagmamaneho.

Sumulyap siyang muli sa akin para tingnan ako. Linggo ngayon at papunta kami sa museum. Nabanggit ko kasi sa kanya noong pagtapos ng exam na gusto kong lumabas after exam week, kaya ngayon ay niyaya niya ako. Nahirapan nga akong magpaalam kina Mama at Papa kanina dahil ayaw talaga nila pumayag na umalis ako pero sa huli ay pumayag naman at huwag daw ako mag pagabi. Hindi na rin naman nila tinanong kung saan ako magpupunta basta umuwi raw ako kaagad.

Agad akong tumango at ngumiti.

"'Yong fieldtrip pala... Kasama ka namin sa bus?" simple kong tanong.

Sumulyap siya sa akin bago tumango.

Tumango rin ako at tumingin sa labas. Pinagmamasdan ang iilang sasakyan na nakakasabay namin habang pasimple kong tinatanong ang bumabagabag sa akin.

"Oh, I see. Si Kate ang katabi ko sa bus. Ikaw ba? May prof ding iba sa bus bukod sayo?"

"Yes, your Sir Dmitri will be there, too. Siya ang katabi ko sa bus," aniya.

Parang nabunutan ako ng tinik ng marinig iyon. Kaya naman ay naisip kong ibahin na lang ang usapan hanggang sa makarating sa pupuntahan.

Pumasok kami sa isang museum. Namangha ako lalo na nang pumasok kami. The dim lights has a huge effect on the museum's ambiance. Super welcoming.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now