Kabanata XXXII

2K 56 3
                                    

Kabanata XXXII

Sleep

"Ija... Hindi mo sinabi sa akin! Akala ko ay hindi mo siya tipo!" hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Mrs. Go sa akin.

Ngumiti ako. "We've known each other years ago, Mrs. Go. Pasensya na po kung hindi ko nasabi sa inyo.." pag-amin ko.

Mas lalong nagulat ang matanda sa sinabi ko. Gulat na lumingon siya kay Ahiro na ngayon ay nakikipag-usap naman sa asawa niya.

Tyron left as soon as he received a call from someone. Hindi ko alam kung anong nangyari at kung sino iyon. Hindi ko na rin nagawang mag tanong dahil kita ko ang pagmamadali niya.

I don't know what happened to Aria. Nagpaalam din siyang umalis nang humiwalay na ang mag-asawa na kausap din namin kanina. Hindi ko na siya nakita pang muli nang umalis ito.

"Is that true? Kung ganon ay noong ipakilala ko kayo sa isa't isa..." sabi ni Mrs. Go nang inaalala ang gabing iyon.

Tumango ako. "Opo, hindi ko lang po inexpect na siya po pala ang ipakikilala niyo sa akin non."

Naging mahaba ang gabi iyon. Ang mag-asawa ay hindi na kami pinakawalan pa at pinakilala sa ibang naroon. At hindi ko alam paano nangyari pero sa tuwing nakikita nila kami ay mabilis silang bumabati at lumilipad ang mga mata sa kamay ni Ahiro na nakapalupot sa akin. They'll end up staring ay both of us and smiling without saying a word. Parang nakikita ko na lang sa mga mata nila na may nakumpirma na kung ano.

"What will happen now?" tanong ko.

Sumulyap siya sa akin. Tumititig ako sa kanya na ngayon ay nagmamaneho.

Ihahatid niya na ako ngayon pauwi. Tinapos namin ang party kaya naman ay gabing-gabi na ngayon pero kahit gano nay marami pa rin ang sasakyan na bumabyahe.

"What do you mean by that?" he asked.

"They already know about us. Paano kapag nalaman ni Papa? Kapag nalaman ng-" napatigil ako at hindi na tinuloy ang sasabihin.

Ang kaninang pasulyap-sulyap niyang mata ay nakatitig na ngayon. Kita ko ang tanong sa mga mata niya, hinihintay ang susunod at dapat kong sasabihin.

Huminga siya ng malalim. Hinanap ng kamay niya ang kamay ko. The car stopped right when he held my hand. Pinisil niya iyon at tumitig sa akin.

"Are we going to hide this from them forever?" tanong niya.

Kinagat ko ang labi ko at umiling.

"Pero natatakot akong malaman nila. Paano kung mangyari na naman ang nangyari dati? I'm scared, Ahiro..." pag-amin ko.

Because that is the truth. I'm actually scared that my family and his family will know about us. Ayos lang sa akin na malaman ng iba pero ang malaman nila..

I sighed. What happened before is really traumatizing. I know secrets will eventually unfold on its own pero hindi ko inasahan na sa ganong paraan lalabas ang katotohanan noon.

The way the truth was unfold before was a bit too harsh. I was confronted by many people. I was forced to choose and leave him.

Akala ko kaya kong ipaglaban. Pero hindi pala. To know that he was suffering because of me made me voluntarily leave him. I saw my father and Ahiro suffering because of me and I don't want that to happen again.

"I won't let that happen. I'd do everything for them to accept us. Walang aalis, Aspen."

Sa huli niyang sinabi ay nakaramdam ako ng guilt. Siguro hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa kong pag-iwan sa kanya noon.

He's my professor (Professor Series #1) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن