Kabanata XXXIV

1.5K 52 0
                                    

Kabanata XXXIV

Happy

"What? Did I say something wrong?" Mrs. Takahashi said with a soft laugh.

Huminga ako ng malalim at kumurap-kurap para iwala ang namumuong luha sa aking mata. I can't cry. I should not cry.

Narinig ko ang pagtawa ni Mr. Takahashi kasabay ng pagtikhim ni Papa. Naramdam ko ang marahang haplos ni Kuya Alif sa aking likod. Mas lalo akong napahinga ng malalim sa ginawa ng aking kapatid.

It comfort me that he knows what I am feeling right now but it makes me more emotional. Muli akong huminga ng malalim at dahan-dahang inangat ang paningin.

Nakita ko ang seryosong-seryoso tingin ni Ahiro sa kanyang ina. Saka lang ito dumako sa akin nang marinig namin ang pagsasalita ni Papa.

"Mrs. Takahashi seems to like Architect Aria for you, ijo.." dahan-dahang puna ni Papa.

Hindi ko alam kung nag-imagine lang ako nang makita ko ang mabilis na pagsulyap nito sa akin.

"I don't like her in that way, Engineer." he said with conviction.

Nakita ko ang pagtango ni Papa at ang pagngiti nito. Si Mr. Takahashi naman ay napangiti rin.

Hindi ko na nasundan ang sinabi nila nang makita ko ang seryosong tingin ni Mrs. Takahashi sa akin. Umiwas ako ng tingin at muling napatungo.

She's staring at me like I'm a walking sin. Ang tingin niya noon hanggang ngayon ay ganon pa rin. Hindi ko alam pero sa mga tinginan niyang ganon ay parang ipinaparamdam niya sa aking hindi ako dapat nandito. That I don't belong in this world. I don't belong and will never be belong in her son's world nor her family.

Bumigat ang aking pakiramdam. Napalunok ako. I can still feel her looking at me. Kaya naman mabilis kong nilingon sina Mama at nagpaalam na aalis ako saglit.

"Uh... Restroom lang po. Excuse me,"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at umalis na roon. Mabilis kong tinahak ang daan ang palabas doon. Agad akong huminto at napahawak sa pader ng makalabas ako. Kinalma ko ang sarili at huminga ng malalim para hindi matuloy ang bigat na unti-unti kong nararamdaman.

Naglakad ako papunta sa garden ng hotel na iyon na nakita ko habang papasok kami sa loob. I know I should be in the party and shouldn't be here. Pero hindi ko magawang bumalik at humarap sa kanila lalo na kung naroon ang pamilya nina Aria kasama ang mga Takahashi.

Ang lamig ng simoy ng hangin ay bumalot sa akin paglabas ko. Maybe because it's December and in two days it's already Christmas.

I inhaled the cold air and let out a deep sigh. Humalukipkip ako at tinanaw ang kabuuan ng langit. The sky is so dark yet beautiful because it's filled with shining stars. Huminga muli ako ng malalim.

His mother's words are like knives to me. I know she doesn't like me from the very beginning but deep inside me I was still hoping for a very little chance that her opinion of me would change.

Nagulat ako sa mainit na kamay na humawak sa aking braso. Nakita ko si Ahiro na nakatingin ng seryoso at may pag-aalala.

"Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.

Umayos ako ng tayo ay hinarap siya bago dahan-dahang tumango. Naalala ko ang sinabi niya kanina bago ako umalis doon. Kahit paano ay gumaan ang loob ko roon sa sinabi niya pero hindi mawawala sa isip ko ang sinabi ng Mama niya.

"I'm fine..."

It seems like he's not buying what I said. Mariin niya akong tinititigan at pinagmamasdan. I let out a deep sigh and smiled.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now