Kabanata XI

1.5K 62 0
                                    

Kabanata XI

Stay

Mabilis akong nagbihis at nag-ayos. Sabi ko ay kikitain ko na lang siya sa coffee shop kanina matapos niya akong ihatid. Hindi naman na siya umangal pa roon.

He didn't tell me where we're going kaya hindi na ako masyadong nag-ayos pa. I wore a highwaist pants and a white spaghetti strap top.

"Akala ko ba mamaya ka pa aalis?" salubong sa akin ni Mama pagbaba ko ng hagdan.

Nagbeso ako sa kanya at inayos ang itim kong sling bag.

"Change of plans, Ma.." ngiti ko bago tuluyang umalis na roon.

Tinext ko si Sir Ahiro na malapit na ako. Mabilis kong nilakad ang daan papunta sa coffee shop. Hindi na ako tuluyang pumunta sa loob non dahil nakita ko na agad ang kotse niya. Nasa lilim ang ito. He's leaning on the car with crossed arms. Tumayo siya ng tuwid nang makita ako.

Pakiramdam ko tuloy ay matatapilok ako dahil sa kaba ko. Sino ba kasing hindi kakabahan kung nakatitig lang siya sayo habang naglalakad ka papalapit!

"Let's go?" nakangiti niyang tanong.

Tumango ako at ngumiti. Binuksan niya ang upuan sa harap kaya mas lalo akong napangiti. His small gestures always makes my heart flutter. Pumasok na ako roon at hinintay siyang pumasok na rin.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makasakay ako rito pero it's still unbelievable. Nilibot ko ang mata ko sa sasakyan. Sobrang linis. Walang dumi o alikabok manlang akong makita sa sobrang linis nito. May air freshener rin siya rito sa loob.

"San ba tayo kakain, Sir?" tanong ko nang makapasok na siya.

He started driving before glancing at me.

"Hmm.... If you're already hungry, I bought sandwiches when I was waiting for you.." sabi niya at may kinuhang paper bag sa backseat nang mag stop.

Inabot niya sa akin iyon. Tiningnan ko ang laman at nakita kong may sandwich nga roon. Tatlo iyon.

"May tubig din d'yan sa likod kung nauuhaw ka.." sabi niya habang lumiliko.

Tumango ako. Tumingin ako sa likod para kunin ang tubig. May mga iilang paper bags doon na may lamang finger foods, biscuits at iba pang pagkain na pwedeng pang snack. Nang makita ko ang tubig doon ay agad kong kinuha iyon.

Binuksan ko iyon at ininuman.

"Bakit ang daming pagkain dito, Sir? May bibigyan ka?" tanong ko at tiningnan siya.

Hindi niya ako kinibo. Maybe he's busy driving. Nang mangalahati na ang byahe namin ay nagsimula na akong kumain ng sandwich dahil sa naramdamang gutom.

Nilingon ko siya na ngayon ay seryosong nagda-drive. I wonder where are we going. Hindi niya kasi sinasagot ang tanong ko kanina pa, e.

I took another bite and glanced at him. Ngumuso ako. Gusto niya ba kumain? Kanina pa siya nagda-drive riyan at hindi ko alam kung nagugutom ba siya o hindi.

"Aren't you hungry?" tanong ko.

Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "I'm not..."

"Sure ka, Sir? Kanina ka pa riyan nagda-drive. Ito sandwich, oh..." sabi ko at inabot sa kanya iyon.

He chuckled. "I cannot drive while eating, Aspen. Gusto mo bang mabangga tayo?" aniya sabay sulyap sa akin.

Oo nga naman. He can't hold this sandwich since he's busy driving. Binuksan ko ang sandwich na iyon at iniangat papunta sa bibig niya.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now