Kabanata VI

1.6K 75 6
                                    

Kabanata VI

Deal breaker

Hindi kami agad umalis dahil niyaya pa ni Papa si Sir Ahiro na kumain saglit dahil may iilan daw silang pag-uusapan. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanila. I still can't believe that he's one of the engineers for the project in Antipolo.

"Hindi ko nga lang nakakausap pa si Architect tungkol sa bagay na iyan. She said she'll talk to you first," sabi ni Papa sa tabi ko.

Nagpatuloy na lang akong kumain habang sila'y nag-uusap tungkol sa project. Nasa tabi ko si Papa at nasa harap niya si sir Ahiro nakaupo. Sumulyap muna sa akin ito bago magsalita.

"I already talked to her, Engineer. But I'll talk to her again later for some changes." aniya.

Nag-iwas ako ng tingin at hindi na siya muling tiningnan pa. Hinayaan ko lang silang mag-usap hanggang sa matapos na kaming kumain.

"Hindi ko alam na dito ka pala nagtuturo. Nagulat na lang ako nang makita ko kayong dalawa kanina," halakhak ni Papa.

Napatingin ako kay Sir Ahiro at nakita ko ang titig niya sa akin.

"Ano nga pala ang ginagawa niyo roon kanina?" tanong ni Papa na nagpasinghap sa akin.

"May binibigay lang na activity si Sir Ahiro sa akin, Pa. Para iyon sa subject namin sa kanya," maagap kong sinabi.

"I assigned Ms. Magdameo as the president for my class, Engineer.." aniya habang nakatingin sa akin.

"Good to hear that! There would be no problem about that since she's responsible enough. Pero minsan lang ay talagang tino-topak kaya mahirap utusan," halakhak ni Papa.

Nakita ko ang pagngiti ni Sir Ahiro sa narinig.

"Papa.." saway ko sa kanya.

"I'm just saying, anak. Baka pinahihirapan mo itong si Engineer Ahiro kapag inuutusan ka..."

"Ahiro na lang po, Engineer.." ngiti ni sir Ahiro, "Masunurin naman po itong si Aspen, Engineer, kaya wala naman akong problema sa kanya." sabi ni Sir Ahiro na natatawa na rin.

"Sabihin mo lang sa akin kung nag pasaway itong si Aspen, ha." ani Papa.

"Pa naman.."

Ngumisi si sir Ahiro at sumulyap sa akin.

"I'll tell you right away, Engineer." aniya.

"Oh, drop the formality, ijo. You can just call me tito since you're my daughter's professor..." sabi ni Papa.

Hindi na rin nagtagal ay umalis na kami roon dahil gumagabi na. Agad na akong pumasok sa sasakyan namin nang nakapagpaalam na kay Sir Ahiro. Ngumiti lang ako at kumaway. Ang inis ko ay hindi ko na mahanap pa. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang iyong nawala lalo na habang pinagmamasdan ko silang dalawa ni Papa na nag uusap.

"Hay nako, ang batang iyon talaga ay sobrang bait. It's good to know that he's your prof.." masayang sabi ni Papa habang nagdadrive.

Nilingon ko siya at takang tiningnan, "Bakit naman po?"

"You'll learn a lot from him. Nagulat nga ako noong sinabi niya nagtuturo siya. Who would have thought that the only son of the country's biggest company in our field would start from the bottom? Gustong gumawa ng sariling pangalan at hindi lang basta manahin ang kumpanya.."

Hindi nawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Papa. Sir Ahiro is not any normal engineer with a part time job as a professor? Agad kong sinearch ang pangalan ni Sir Ahiro at nakitang maraming article ang lumabas doon.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now