Kabanata XXXV

1.7K 51 1
                                    

Hello! The next chapter will be the epilogue. There will be two parts for the wakas. The Wakas I will still be in Aspen's POV while the Wakas II will be in Ahiro's POV (as what you've all requested) ♥️ Enjoy reading!

Kabanata XXXV

Magdameo

There's nothing more I could ask for that night. Sa lahat ng naging birthday ko, iyon na ang pinakapaborito ko.

Hindi ko akalain na darating kami sa puntong matatanggap niya na nang tuluyan. I still have questions... but I'd rather keep it for now. Gusto ko man tanungin si Papa kailan niya ako napatawad at kung kailan niya natanggap kami. I want to ask him what changed his mind. I want to know how this miracle happened.

I immediately told Ahiro about it. I was so excited and happy that I had to call him that night, too. I slept peacefully and soundly that night. Kung pupwede nga lang hindi na matapos ang araw na 'yon ay hihilingin kong ganoon na lang habang buhay.

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. With my new project and our house in Siargao.. hindi na ako pwedeng magsayang ng oras. I see to it that I finish all my paperworks in time and check the upcoming projects from time to time.

We're actually planning to start the house in Siargao by the end of the month. Siguro bibisita ako roon every weekends. Pero ngayon ay aayusin ko muna ang schedule ko para siguraduhing walang masasagasaan. Isa pa, Kuya Alif will help on that one kaya hindi ko na kailangan pa masyadong mastress.

Pero sa tingin ko ay hindi ako sa mga project mas-stress kundi kay Kuya Alif. After my birthday, I don't know why but he's always getting on my nerves. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at sa nakain niya dahil kapag nakikita niya ako ay inaasar o may pinupuna siya sa'kin.

Masyado siyang good mood nitong mga nakaraang araw na ako naman ata ang napagtitripan niya.

Prenteng-prente siyang nakaupo ngayon sa swivel chair niya. Hindi na ako kumatok pa dahil alam ko namang wala siyang ginagawa ngayon.

I almost rolled my eyes when he smiled at me. I can predict that he'll going to annoy me after I give this paper to him.

"Ito na 'yong hinihingi mo sa'kin. Pakicheck na lang kung wala na bang kulang diyan, bababa na ako. You can just call if there's something wrong with the paper," mabilis kong sinabi dahil ayaw ko nang magtagal pa roon.

Aalis na sana ako pero agad akong napatigil din nang magsalita siya.

"Why don't you let me check it first before leaving? Lunch naman ngayon, ah? Hindi ka kakain?" takang tanong ni Kuya.

Halos umikot ang mata ko. "I can eat later. I still have work to do, Kuya."

He laughed. "Why are you getting mad? Nagtatanong lang naman ako 'tsaka para 'di na ako tumawag kung sakali."

"May gagawin pa kasi ako. If you want to check the papers, then check it now. Bababa na ako at tawagan mo na lang ako kung may mali,"

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Nangunot ang aking noo. I don't understand why he's laughing. Hindi naman ako nagpapatawa at wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

"Bakit ka tumatawa?" nakasimangot ko nang tanong.

Umiling siya at tumigil sa pagtawa pero bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha niya.

"Can't I laugh now? Grabe ka naman sa Kuya mo at ayaw mo na akong makitang masaya?" he said with smile on his face.

Ngayon ay talagang umikot ang mata ko sa sinabi niya. He's starting again. Sinasabi na nga ba't dapat umalis na ako dahil sisimulan na naman niya ang pangbubwisit sa akin.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now