Kabanata VII

1.5K 60 6
                                    

Kabanata VII

Wait

Bago mag alas quatro ay natapos na kami. Habang nagliligpit kami at inaayos ang mga upuan ay saktong dumating si Sir Ahiro. Agad na nahanap ng mata niya kung saan ako nakapwesto, inaayos ang iilang gamit na nakakalat.

"You're done?" his voice echoed in the room.

Lumapit si Mylene sa kanya nang tuluyan itong pumasok. "Kakatapos lang po namin, Sir. Thank you po ulit kasi pumayag kayo ipagamit itong room.."

He smiled at Mylene. Ayan! Ayan na naman ang mga ngiti niya na mas lalong nagpapawala sa mga singkit niyang mata!

Matapos naming magligpit ay nagyayaan na sila lumabas para umuwi. Nang makita ako ni Kate na hindi gumalaw at umalis sa pwesto ay sumenyas siyang mauuna na. She managed to show me a finger heart before leaving with a laughing face.

Nang wala nang tao ay dahan-dahan akong lumapit kay Sir Ahiro na nakatingin sa akin habang nakatayo malapit sa isa sa mga upuan doon sa gilid.

"Pauwi ka na, Sir?" tanong ko.

Tiningnan niya ang orasan bago bumaling sa akin, "I still have one more class by five pm.."

Tumango ako, hindi alam kung paano tatanungin ang tungkol sa binigay ko sa kanya. Did he like it? Or baka he's not into sweets? Wala na kasi talaga akong maisip na ibibigay na peace offering sa kanya kaya iyon na lang ang binili ko.

Nahihiya man ay naglakas loob na akong tanungin ang tungkol doon.

"'Yong brownies..." panimula ko.

He chuckled, "What about the brownies?"

"I want to say sorry again about yesterday..." nakanguso kong sabi.

"So you bought brownies and left it on my table?" he teasingly asked.

Uminit ang pisngi ko sa hiya. He laughed genuinely when he saw me quiet and can't even look at him.

"I told you it's okay. You don't have to say sorry," mahinahon niyang sinabi. "Unless you'll do it again the next time I told you to text me when you're home,"

Napaangat ang tingin ko sa kanya. So that means...

"I'll text you whenever I'm already home?" paniniguro ko kung tama ba ang pagkakaintindi ko.

"If it's okay with you,"

Agad akong tumango sa sinabi niya. Super okay iyon sa akin!

"You should go home. It's getting late.." sabi niya at umayos na ng tayo.

"Huh? Alas quatro pa lang, Sir.."

"Traffic at nagco-commute ka lang. It's not safe, Aspen." mariin niyang sinabi.

Lumundag ang puso ko sa narinig. He called me again by my name! Parang kahit paulit-ulit niyang banggitin ang pangalan ko ay hindi ako magsasawang pakinggan iyon.

Tumango ako at mabilis na kinuha ang bag habang nakangiti. Sabay kaming lumabas ng room at naglakad pababa.

"Anong oras ang uwi mo, Sir?" tanong ko habang naglalakad kami.

Marami pa ring estudyante. Ang iba'y papasok pa lang habang iba'y pauwi na.

"Around eight or nine. Why?"

"Ah, late na pala.." sabi ko.

Then what time will he be home? Nong nakaraang hinatid niya ako ay alas dose na siya nakauwi. Malayo ba ang bahay niya rito at ganon na siyang oras nakauwi non?

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now