Kabanata X

1.5K 54 4
                                    

Kabanata X

Attractive

"Punta tayo sa booth ng CBA, ha? Meron daw doong palaro, e.." sabi ni Kate sa akin.

Nandito kami sa isang food stall dito sa ground. May hawak siyang cotton candy habang ako naman ay kumakain ng french fries. Dave's not with us dahil mamaya pa raw siya pupunta.

Katatapos lang ng program kung saan officially inannounce ang foundation week. Medyo mainit lalo na at tirik ang araw pero hindi mo na mapapansin dahil sa sobrang daming pwedeng bilhin at pag bilhan dito.

Inikot ko ang mata sa maraming tao. Iba-iba ang kulay ng damit at porma nila. Maraming naglalakad at pumupunta sa iba't ibang stalls, ang iba naman ay papunta sa ibang building dahil naroon ang ibang booth. Pero hindi ko maiwasan lingunin ang daan papunta sa faculty.

Hindi ko pa nakikita si Sir Ahiro simula noong inihatid niya ako pauwi. Hindi ko rin siya masyadong nakausap nong weekends dahil abala siya para sa foundation at pati na rin sa kompanya nila.

"Punta tayo roon, oh!" ani Kate at hinila ako papunta sa kabilang stall na may tindang corndog.

For that day, we visited CBA's booth when Dave is already at school. Maraming palaro ang nandoon. Kumbaga parang ginawang perya slash arcade iyon.

"Try ko kaya ito?" sabi ni Dave sa tabi ko na nakatingin din sa basketball. Habang si Kate naman ay abalang pinanonood ang pagda-darts ng mga tao sa kabilang side.

"Go na! Makukuha mo naman iyong malaking teddybear dyan for sure!" sabi ko.

At hindi nga ako magkamali nang sunod-sunod niyang ma-shoot iyon kahit pa malayo at mataas ang ring! Nasa tabi ko na si Kate at parehas kaming nagtuturo ng kulay ng malaking teddybear na dapat niyang kunin! But at the end he chose the color pink, 'yong tinuturo ni Kate!

"What? That's unfair! Akala ko pa naman sa akin mo ibibigay kaya kita chineer noong una!" reklamo ko nang iniabot niya iyon kay Kate.

Hindi iyon kinaya ni Kate kaya naman ay binuhat niya.

"Look at Kate! She's giving me death glares, mas nakakatakot siya Aspen.." turo niya kay Kate na siya namang humahalakhak.

"Sus, ang sabihin mo lang ay paborito mo itong si Kate!" kunwaring pagtatampo ko.

"Oh sige, tawagin ko na lang si Rivas para bigyan ka ng gan'to.." sabi niya na nangaasar.

Agad ko siyang inabot para hampasin pero hinarang niya ang teddybear na hawak! Kahit kailan talaga ang sarap minsan tapalan ng bibig nito ni Dave. Simula nong nakausap ko si Kych ay hindi na siya nagparamdam sa akin. Sabi ay busy raw dahil siya ang isa sa mga nag-ayos ng booth ng department namin.

Naglaro kami roon at maliliit lang na stuff toys ang laging nakukuha. Ang pinakagusto ko nga roon ay 'yong may ihahagis kang pera na dapat mapunta sa mga squares doon. Sa sobrang saya namin ay hindi na namin namalayan ang oras. We spent most of our time playing kaya naman ay nang makita naming kumokonti na ang tao dahil malapit na itong magclose ay agad na kaming umalis.

Foundation week is what I've been looking forward to from the very beginning. Since freshmen kami, ngayon pa lang namin na-experience ang foundation dito. Balita kasi ay masaya at medyo magarabo ang foundation week. Lalo na kapag music fest and rave party na. May mga sikat na bandang pumupunta at tumutugtog. I want to experience it lalo na't eraserheads ang isa sa mga banda na tutugtog sa last day ng foundation week na ito!

Kinabukasan ay triny naman namin ang ibang booths. May isang stall doon sa pinuntahan namin na puno ng keychains, bracelets, necklace, at kung ano pa.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now