Kabanata XV

1.2K 39 0
                                    

Kabanata XV

Cry

Napansin ni Kate ang pagiging balisa ko. I tried to absorb and understand what we're watching but I just can't. Sinubukan kong ibalik ang saya kanina pero hindi ko na mahanap pa.

I didn't like Aria at all. Kanina ay galit at inis ang naramdaman ko pero takot ang nanaig sa huli. Kate tried asking what has happened but I refused to tell. Hindi ko alam kung nakita niya si Aria o hindi. I told her I just want to go home and rest.

Pagkauwi ko ay nagkulong ako sa kwarto at natulala. Hindi ko na alam ang uunahin kong isipin.

She wants me to choose between peace and love. And I actually want both. I want to have both. But she has threatened me. She's not giving me options. Aria wants me to give up Ahiro and choose silence. Pero naiisip ko pa lang na mawala si Ahiro sa akin ay ang sakit sakit na.

But can I live with my father mad at me because of this?

Pinahid ko ang luhang tumakas sa aking mata at tiningnan ang phone na nagvibrate.

Ahiro:

Are you already home? Kumusta ang lakad niyo?

Nilapag ko ang phone sa tabi ko at hinayaan ang sarili na mag-isip. Pero naistorbo lang iyon nang mag-aalas dose na ay biglang tumawag si Ahiro. Hindi ko sana iyon sasagutin pero tumawag siyang muli nang mamatay ang nauna.

I tried to clear my throat and breathe in some air. Ayaw ko pa sana siyang kausapin lalo na't magulo ang isipan ko but I think that's inevitable. Kinuha ko ang phone at umupo bago sagutin.

"H-hello..."

"Are you okay? Nakauwi ka na ba?" nagaalala niyang sagot.

Oh. How I love to hear that voice. His voice soothes me.

Lumunok ako. I can feel the forming lump in my throat. Pakiramdam ko ay iiyak ako bigla rito. Kinalma ko ang sarili bago muling sumagot.

"Oo, n-nakauwi na ako. Sorry nakalimutan ko..." sabi ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya.

"I'm so worried because you didn't text me. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo.."

Pumikit ako ng mariin. How can I let go of this man? I want him in my life. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung mawawala siya sa akin.

"I'm sorry..."

"Please don't do that again."

Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. I smiled bitterly.

That night, I fell asleep while talking to him over the phone. Hindi ko sinabi ang problema. Because the decision should be up to me. I should decide on my own. Dahil kung magkamali man ako sa gagawin, it will be all my fault at wala nang iba pang sisisihin.

Sa araw-araw na pagpasok ko ay hindi natanggal ang sinabing iyon ni Aria sa isipan ko. Every single day when I get home, I am quietly praying that Papa still doesn't know about me and Ahiro. Hindi nawala ang takot at pangamba sa akin kahit san man ako magpunta.

Lagi akong nangangapa sa bahay lalo na kapag kumakain kami. I would always tremble whenever I hear Papa's story about how his day went on. Lagi kong hinihintay at inaabangan na sasabihin niyang alam niya ang tungkol sa amin.

"Ang dami ngang kwento ni Aria sa akin. Napakabait ng bata na iyon..." sabi ni Papa.

Kinabahan ako at agad na napalingon sa kanya. "A-anong kinwento niya sayo, P-Pa?" nanginginig kong tanong.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now