Kabanata XXXI

1.7K 55 0
                                    

Kabanata XXXI

Taken

"Tell us if the projects are too much for you to handle. I'm here to assist and help you especially sa Siargao project. Pero kung hindi mo naman kaya pwede naman siguro gawan ng paraan. Right, Papa?" sabi ni Kuya Alif.

"Of course we can do that. Hindi naman tayo nagmamadali para sa bahay sa Siargao. Our only goal is to build it next year. Hindi naman kailangan na by January ay maumpisahan na.."

Agad akong umiling. "Hindi na, Pa. Kaya ko naman. 'Tsaka for the other project, I'll arrange my team to handle and prepare for it. Kaya ko naman kung pagsasabayin ang dalawa lalo na't tutulungan din naman ako ni Kuya Alif."

Tumango si Papa habang si Kuya Alif naman ay ngumiti bago tingnan muli ang mga papers sa lamesa. Ginaya ko ang ginawa niya at pinasadahang muli ng tingin ang project na gagawin pagtapos na pagtapos ng taong ito.

May pinapa-handle kasi sa'king project si Papa. Right after the Holiday, we have to start the project. Sakto rin ay pinaalala at kinukulit ni Mama si Papa tungkol sa bahay na ipagagawa sa Siargao. The target year for our house is also next year.

"Ayaw mo bang magpahinga muna, Aspen? You've been working since you got here. Hindi ka pa nagbabakasyon kahit isang beses." narinig kong sinabi ni Kuya Alif.

I lifted my head and looked at him. I saw Papa nodded as if agreeing with what my older brother have said.

"May holidays naman. Besides, hindi ko pa naman din kailangan niyan, Kuya."

"Iba ang holidays sa bakasyon talaga. Don't tell me you'll be working here forever?" sabi niya.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Baka ikaw ang balak atang magtrabaho rito hanggang sa ma-ugod ka na, Kuya? Wala ka pang girlfriend kahit ang tanda-tanda mo na?"

Sa sinabi kong iyon ay natahimik siya at sinamaan ako ng tingin habang si Papa naman ay malakas na tumawa.

"Both of you should really get your own partners. Parehas kayong tumatanda at kami ng Mama ninyo ay naiinip nang magka-apo... Alif, anak, wala ka ba talagang girlfriend?" sabi ni Papa at tumingin kay Kuya Alif.

Natawa ako nang makita na sumeryoso ang mukha niya at inayos ang necktie kahit hindi naman iyon magulo. Tumawa lalo si Papa habang pinagmamasdan si Kuya Alif. He seems a bit uncomfortable about this topic. Naalala ko tuloy 'yong nangyari na pag-alis niya bigla dahil may hinabol na kung ano o kung sino.

"Don't be pressured, anak. Makakahanap ka rin naman dyan.. hindi naman kita minamadali, kaunti lang.." biro ni Papa na mas nagpatawa sa amin.

Medyo naging busy ako sa mga sumunod na araw kaya naman hindi na ulit ako nakabisita ng site. I had to focus and prepare my team and give them a heads up about the upcoming project. Dalawang team ang kinailangan kong buuhin para sa Siargao at sa isa pang project na iha-handle ko.

"I had to tell and inform you ahead of time lalo na't simula next year ay magiging busy na ulit tayo. I am expecting a lot from you guys but please don't be too pressured. Ang gusto ko lang ay hindi tayo magkaproblema kapag nandon na tayo mismo," sabi ko nang kinausap ko silang lahat.

Huling linggo para sa project kay Mrs. Go ay saka lang ako naka-dalaw sa site. I texted Ahiro that I'm on my way to visit the site. Hindi ko na ine-expect na makita siya roon dahil nagpunta na siya kaninang umaga gaya ng text niya.

Ang gate ng bahay na mismo ang sumalubong sa akin. The house is almost ready. Ang gate na lang ang kulang dahil pinipintahan pa iyon.

I saw Ahiro's car parked outside. Sa nakita kong iyon ay parang tumalon ang puso ko sa tuwa. We have been texting each other every day but that's not enough. Iba pa rin talaga kapag kasama at nakikita.

He's my professor (Professor Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon