Kabanata XXVII

1.4K 48 0
                                    

Kabanata XXVII

Girlfriend

Hindi pa nakakalayo roon ay sinubukan kong hatakin ang kamay ko. Nagawa ko iyon. Pero agad namang napaatras nang hinarap ako ng galit na mukha ni Ahiro.

"Kaya ko nang gamutin ang sarili ko!" inis kong sinabi.

Bakit hindi na lang siya bumalik doon? Hindi ko dapat siya kasama rito! At lalong hindi ko dapat siya hinayaan na hatakin ako paalis doon!

"Ako na ang gagamot!" galit at madiin niyang sinabi.

"Kaya ko naman. Maliit lang ito, hindi ko na kailangan pa ng tulong sa paggamot nito!"

"Hindi iyan maliit! Nakita mo na nagdurugo, paanong maliit?! And do you even have your first aid kit to treat you wound?!"

Napakurap ako. Napaisip sa sinabi niya. Wala akong first aid kit sa sasakyan ko...

"I... I can treat my wound at my office! Huhugasan-"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Hinanap niya ang palapulsuhan ko at hinila na ako paalis doon.

"You're not going anywhere unless I treat your wound!" sabi niya habang naglalakad.

Napapatingin  sa amin ang ilang mga nandoon. Ang iba ay papasok na sa loob ng bahay para magsimula uling magtrabaho matapos ng aksidente. Pero hindi nila maiwasang magawi ang paningin sa amin.

Dumaan muna kami sa tent. Binitawan niya ako. Akala ko kung ano ang gagawin namin doon. Pero nang makitang tinanggal niya ang cap  ay narealize kong lalabas kami ng site. Umamba akong tatanggalin na rin ang akin kahit labag sa loob pero nagulat ako nang mabilisan niya akong nilingon. Natanggal niya na ang kanya. Inunahan niya akong hatakin ang nasa baba ko at siya na mismo ang nagtanggal non at nilapag sa lamesa. Napanganga ako sa ginawa niya pero sinubukan din namang umaktong normal ulit, iritado.

Nakarating kami sa labas. Naglakad kami papunta sa sasakyan niya. Binuksan niya ang likod ng SUV at pinaupo ako roon.

"Stay here." aniya bago umalis at iwan ako roon.

Masama ang loob ko habang hinihintay siya. Alam kong pwede na akong umalis dito lalo na't naiwan ako. Pwedeng pwede akong pumunta sa sasakyan ko pero hindi ko magawa. May kung ano sa akin na nagsasabi na kailangan kong sundin ang sinabi niya.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan sa harap. Nilingon ko iyon. Nakita ko si Ahiro na papunta na ulit sa kung nasaan ako. May dalang first aid kit, bottled water at tela.

Umupo siya sa tabi ko at hinarap ako. Binasa niya ang tela gamit ang tubig. Pagtapos ay marahan niyang hinawakan ang braso ko taliwas sa ekspresyon na ipinapakita niya. Para akong nakuryente nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Marahan at magaan lang ang pagkakahawak niya. Kumabog ang dibdib ko.

Sinubukan kong umakto ng normal kahit nababaliw na ang loob ko dahil sa hawak niya. Hinayaan ko siyan ggawin iyon kahit pa milyon milyong wlektrisidad na ang nararamdaman ko. Napangiwi ako sa sakit nang maramdaman ang pagdampi non sa sugat.

Tiningnan niya ako. "Does it hurt?" nag-aalala niyang sinabi nang muli akong napangiwi.

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya naman nag-iwas lang ako ng tingin at hindi siya sinagot. Narinig ko ang pagbuntong  hininga niya. Hinayaan ko siyang gawin ang kung ano sa sugat ko. Hindi ko na siya ulit nilingon hanggang sa matapos iyon.

"Bago ka matulog ay linisan mo ulit at palitan ang bandage niyan," seryoso niyang sinabi at marahan na binitawan ang braso ko.

"Hindi mo na dapat ginamot. Pwede naman sa office ko na lang gamutin." iritado kong sinabi hindi pa rin siya nililingon.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now