Kabanata VIII

1.6K 78 6
                                    

Kabanata VIII

Territorial

Sinubukan kong pumunta sa faculty matapos ng pag-uusap namin ni Kych. Gusto niya pa nga sana akong samahan pero umayaw ako. Mabuti na nga lang at hindi niya na pinilit dahil baka mas lalong hindi ko makausap si Sir Ahiro.

Bigo akong lumabas ng faculty nang sinabing wala siya roon at may klase pa. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at kung makakausap ko pa ba siya ngayon.

Umuwi ako ng maraming iniisip. I should set aside my problem about Kych and just focus in finding a way to talk to Sir Ahiro. Mahirap kasi kung po-problemahin ko pa siya lalo na't hindi naman siya nagpapapigil.

"Uuwi na ang Kuya Alif mo sa susunod na buwan. Malapit na raw matapos iyong project niya roon.." sabi ni Papa habang nagdi-dinner kami.

"Talaga, Pa? Bakit hindi manlang sinasabi sa akin ni Kuya?" taka kong tanong.

"Nako ka, Sebastian! Hindi nga pinapasabi ni Alif dahil isu-surprise niya raw itong si Aspen!" sinabi ni Mama.

Tumawa si Papa at napailing, "Oh! I'm sorry about that. Siguro ay kunwaring magulat ka na lang kapag dumating ang Kuya mo rito, ha?" biro niya.

Natawa na lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy na sa pagkain. I'm very close with my brother. Hindi na nga lang na kami nakakapag-usap ng madalas simula nang magkaroon siya ng project sa Camarines Sur. Pero ayos lang iyon dahil ako rin naman ay busy. Nga lang ay mas naging busy ako ngayon sa ibang bagay bukod sa pag-aaral.

Kinabukasan ay wala akong ginawa kundi gawin ang assignments ko matapos namin magsimba. Sa Thursday at Friday pa kasi ang allotted time in preparation for the upcoming foundation week kaya tuloy pa rin ang klase para sa ibang araw. Sinabihan ko na lang na rin si Mylene na siya na lang ang mag-announce tungkol doon tutal ay halos magkasama namin kami sa mga subject ngayong sem.

"Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa, ha?" tanong ni Dave.

Masama ko siyang tiningnan bago pinapak ang french fries sa harap ko. Nandito kami sa cafeteria dahil vacant. Mamaya pang hapon ang susunod naming klase at hanggang gabi iyon.

"Napaka tagal ng tindera! Grabe kanina pa ako nandoon nakapila para lang sa tinapay!" reklamo ni Kate habang papaupo sa tabi ni Dave.

"Binilhan mo ako?" tanong ni Dave.

Umirap si Kate bago binigay ang pagkain. Ngumisi naman si Dave at ginulo ang buhok ni Kate na agad naman nitong pinalo.

I sighed. Gusto ko mang puntahan si Sir Ahiro mamaya ay hindi ko magawa. Hindi ako pwede umabsent sa subject ni Ms. Cruz lalo na at major namin siya. Hindi rin naman ako pwedeng tumakas dahil may lab kami sa kanya tuwing pagtapos ng lesson.

Muli akong napabuntong hininga. It makes me happy to see him acting like he's jealous but it's driving me crazy! Pakiramdam ko ay kaunti na lang malapit na akong mabaliw sa kaiisip sa kanya! I want to see him and talk to him.

Saka lang naputol ang pag-iisip ko nang bigla akong punahin at tingnan ni Kate.

"Nakakaraming buntong hininga ka na riyan, ha! What's up with you?" tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy na lang nang kumain.

"Maybe because Rivas is not here?" sabi ni Dave.

Matalim ko siyang tiningnan. Just for this day, please. I don't want to hear that name.

"Oo nga 'no? Bago 'to. Lagi iyong nakasunod sa'yo, e." takang sabi ni Kate.

"Baka naman humanap na ng iba?"

"Edi good! Aspen's not interested in him anyways. Siya lang itong makulit,"

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now