Kabanata XXII

1.2K 53 2
                                    

Kabanata XXII

Date

"Nagawa mo na?" tanong ni Tyron.

Nandito na naman siya sa office ko. Dalawang araw na ang lumipas simula noong meeting namin. I immediately worked on the structural design after I got everything I need that day. Kagabi ko iyon natapos at dala dala ko ngayon sa office pati na rin ang soft copy non.

"Gusto mo ba akong samahan? Wala ka namang gagawin mamay diba?" sabi ko habang nakasandal sa swivel chair ko at hinihilot ang sentido.

Kanina pa kasi ako namomroblema kung paano ko iyon dadalhin at ipapakita kay Ahiro. I don't have  enough courage to face him alone! Noong maisip ko pa nga lang na kaming dalawa lang ang magkasama ay halos mabaliw na ako, paano pa kaya kung maging totoo na? Baka matuluyan na akong mabaliw kung ganon!

At isa pa! Ang sungit at lamig niya sa akin. How can I even talk to him when he's like that? I know he might be mad at what I did before but I don't think he'll hold grudges to me for almost nine years! Malamang ay nakamove on na siya. And I'm even thinking that Aria is his girlfriend! Hindi iyon malabo lalo na't parang lagi niya namang kasama iyon sa nakalipas na taon.

"I already told you, may gagawin ako. Pinipilit mo lang na wala. Bakit ba kasi pumayag ka sa project na ito kung magiging ganito ka rin pala?" tanong niya.

Dumilat ako ng mata at tiningnan siya na busy sa pagtingin sa laptop ko.

"Hindi ko naman alam na siya pala nga iyon!" irap ko.

"Kung nakamove on ka na siguro ay hindi 'to magiging problema. Ang kaso, hindi pa. Tapos nandon pa 'yong Aria... you didn't tell me she's pretty. Akala ko pa naman-"

Mabilis kong kinuha nakalukot na papel sa lamesa ko at binato iyon sa kanya. Nasapul ang mukha niya dahil nasa tapat ko lang siya.

"Alam mo wala ka nang ibang magandang sinabi," iritado kong sabi.

Simula kasi nang makita at makumpirma niyang si Aria na nakwento ko at ang nakilala niya ay iisa, hindi na siya tumigil. Nakakarindi marinig sa kanya.

"Tampo ka na niyan?" tawa niya.

"Kapag nakita ko lang talaga 'yong babae mo sasabihin kong makipagbreak sayo dahil babaero ka," ganti ko.

Doon siya tumigil sa ginagawa niya at tumingin sa akin. Pinanlakihan ako ng mata.

"Whatever. Hindi pa rin kita sasamahan," aniya.

Umikot ang mata ko sa sinabi niya. Kung hindi ko lang ito kaibigan ay hindi ko na ito pinapasok dito, e. Hinayaan ko siyang mangalikot doon habang ako ay nagiisip.

Nagdadalawang-isip man, I end up driving, after I got off from work, to his company. Hindi nagtagal sa opisina ko si Tyron at umalis na rin at pinanindigan ang sinasabi niyang may gagawin pa raw siya. I gathered all my courage before entering the building.

Dumiretso ako sa reception desk na naroon agad pagpasok mo sa loob.

"Excuse me, which floor can I find Engineer Ahiro Takahashi?" aniko nang tinanong kung saan at sino ang hanap ko.

"Wait, po. I'll call his secretary, po." aniya at may pinindot sa telepono.

Inilagay niya iyon sa tainga at may kinausap sa kabilang linya.

"Do you have any appointment po sa kanya?" tanong nito sa akin.

Agad akong umiling. "Wala pero I have to see him now. May kailangan akong ibigay sa kanya. I already talked to him the other day.."

Sinabi niya iyon sa telepono at pagtapos ay binaba. Dismayado siyang tumingin sa akin.

"Sorry, Ma'am. Pero nasa meeting po siya at hindi pwedeng istorbohin. Pwede naman kayong pumunta sa floor ng office niya para hintayin matapos ang meeting," aniya.

He's my professor (Professor Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon