Kabanata V

1.6K 66 3
                                    

Kabanata V

Engineer

Hindi magkandamayaw ang sistema ko sa naging pag-uusap naming iyon ni Sir Ahiro. I know that if and only if he will like me back, that would be a big problem. Teacher-student relationship is a big issue.

Pero sa tingin ko naman ay hindi iyon mangyayari. He's clearly not going to like me back! I am his student for goodness sake! Sinong tanga ang magkakagusto sa tinuturuan niya diba?

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko kay Kych.

Nandito ako sa isa sa mga bench ng field. Hindi ko alam pero ngayon na lang ulit siya nagpakita sa akin. However, I didn't notice it since I am too occupied with other things. Noong nakaraang linggo ko pa siya nakita, iyong may laban sila.

For the past three weeks ay lagi na lang si Sir Ahiro ang nasa isip ko. Nakakausap ko siya minsan pero madalas ay saglit lang. Kapag nakikita ko nga siya sa hallway ay sinusubukan kong pahabain ang usapan pero hindi ko magawa. Kung hindi kasi may tatawag sa phone niya ay meron namang student na kakausap sa kanya. Minsan nga ay hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi ako pansinin at maging malamig kapag binabati ko siya. Pero siguro dahil busy lang siya kaya ganon

I sometimes text him about schoolworks and he'll always reply "Alright", and that would be the end of our conversation. Wala naman akong lakas ng loob para kulitin siya dahil kita ko naman na marami talaga siyang ginagawa.

"Why are you alone?" tanong niya tiningnan ang binabasa ko.

"Ang laki-laki ng school natin, bakit mo ba ako laging nahahanap?" inis kong tanong bago isara ang libro.

Scholar ako rito. Masyadong mahal ang tuition per sem at baka hindi kayanin nina Mama iyon. Sikat din kasi itong school na 'to kahit saang lugar. Mabuti na lang nga at dito rin lang sa Quezon City ang bahay namin kaya hindi sobrang layo ng byahe ko araw-araw.

"May Aspen radar ako, e. Laging kapag pumupunta ako sa kung saan naisip ko na nandon ka, talaga nga namang nakikita kita roon. Tulad ngayon," ngiting ngiti niyang sabi.

Tiningnan ko siya at naningkit ang mata. Gwapo naman talaga si Kych, siya 'yong tipikal na pang mga modelo ang datingan at makikita mo rin naman talaga sa kanya na magaling siya sa sports. Pero hindi ko maiwasan ikumpara siya kay Sir Ahiro na palagi na lang lumalamang sa lahat ng aspeto.

Sobrang abala ko ngayong week dahil exam namin. Medyo hassle kasi iyong ibang subject ay may laboratory exam pa kayo dumodoble ang nirereview ko.

"Late si Sir?" tanong sa akin ni Kate.

Tumingin ako sa harap at nakitang wala pa nga talaga siya. Wala naman siyang tinext sa akin na aabsent siya ngayon kaya siguro may ginawa lang at nakalimutan lang ang oras.

"Papunta na rin siguro 'yon dito,"

"Pero hindi naman nale-late 'yon..." takang sinabi ni Kate.

Sinubukan kong ibalik ang atensyon ko sa binabasa pero hindi na mawala sa isip ko ang sinabi ni Kate. Nang lumipas ang ilan pang minuto ay tumayo na ako para lumabas.

Should I text him? Wala naman masama kung itatanong kung nasan na siya diba?

Kinagat ko ang labi ko at nagtipa. Pero agad kong binura iyon. Paulit ulit akong nagtipa pero sa huli ay binubura ko iyon. Matunog akong bumuntong hininga at tumayo na para pumasok.

"Bakit nandito ka sa labas?"

Gulat kong nilingon si Sir Ahiro. Pero mas nagulat ako dahil may kasama siya. The woman beside him looked at me. She doesn't look like a teacher nor an admin.. so who is she?

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now