Kabanata XX

1.2K 45 4
                                    

Kabanata XX

Project

"And this is Attorney Neo and Engineer David.." sabi ni Mrs. Go sa dalawa pang nandon.

Kinuha ko ang kamay nila at ngumiti. Ngumiti rin sila pabalik sa akin.

"I've heard your name a few times..." ani noong Engineer.

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Nang dumako ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ay agad akong napakurap. His intense and cold stare is giving me goosebumps!

"I'm not surprised to hear you say that, ijo.." tawa ni Mrs. Go.

"I've been looking everywhere for you,"

Nilingon namin ang nagsalita at nakita si Tyron. Tiningnan ako ni Mrs. Go at nagsalita.

"Seems like he can't see you talking to every men in this room.." tawa niya at iling sa akin.

Agad akong napailing. Gusto ko sanang itanggi kaso nga lang ay hindi ko magawa lalo na sa iilang pares ng mata na nakatingin sa akin dahil sa sinabi niya.

"Uhm.. Tyron, this is Mrs. Go.." ani ko at ipinakilala rin ang dalawa roon. "This is Engineer Ahiro... And this is Architect Tyron.." ani ko.

Lahad ko sa kanila. Umigting ang panga ni Ahiro. Samantalang nakita ko ang pagkagulat ni Tyron nang marinig ang pangalan na sinabi ko. Agad siyang nakabawi at ngumiti. Nilahad ang kamay na kinuha naman ni Ahiro. Sumulyap sa akin si Tyron nang mabawi ang kamay. Tumikhim siya.

"Well.. Aspen, someone wants to meet you..." aniya.

"Uh.. S-Sorry, Mrs. Go... I think I have to, uh.." nalilito kong sinabi.

Hindi ko alam kung saan na dapat akong tumingin. Kabado lalo na nang mapasulyap ako kay Ahiro na nakatitig sa akin.

"It's okay, ija.. You can go..." makahulugang ngiti ni Mrs. Go.

Hindi ko iyon naintindihan pero agad din namang lumakad papunta kay Tyron. Hindi ko na muling tiningnan si Ahiro sa takot na baka matapilok ako kapag ginawa ko iyon. Nang makita ko na inilahad ni Tyron ang braso niya ay agad kong ipinalupot ang kamay ko para pang suporta.

Nanlalambot ang tuhod ko habang paalis kami roon.

"That Engineer in the middle.. Is that..." ani Tyron habang papalayo kami roon.

Tiningnan ko siya at tumango.

"Are you okay? Gusto mo ba umalis na tayo rito?" aniya.

"Okay lang.. Hindi ba may gustong kumausap sa akin?" aniko, sinusubukang maging normal ulit kahit tumatakbo na sa isang tao ang utak ko.

"Pwede kong sabihin na pagod ka na. You can talk to Mr. Ong some other time," nag-aalala niyang sinabi.

Huminga ako ng malalim at pinilit ngumiti. "Don't worry about me, I'm really fine.."

Hindi siya naniwala sa sinabi ko. Pero wala siyang nagawa nang hilahin ko na rin siya at tanungin kung nasaan ba 'yong si Mr. Ong.

Sinubukan kong alisin ang kaisipian na naroon si Ahiro. I tried to focus on what Mr. Ong was telling me when I was introduced to him but I just can't. Napansin iyon ni Tyron kaya naman siya na ang nagsalita pa para sa akin.

Luminga ako sa paligid para hanapin siya. And when my eyes spotted where he is, nagsisi agad ako. May mga babae silang kausap. He is talking to a girl wearing a red dress. Kitang-kita ang hubog ng katawan dahil sa suot. Nakatalikod ito sa akin. Her long curly hair dances when she moves her head while talking to Ahiro. And Ahiro is very attentive to whatever that girl is saying. Seryoso siya noong una pero nang may sinabi ang babae ay nakita ko ang pag-angat ng labi nito.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now