Kabanata XVI

1.1K 42 0
                                    

Kabanata XVI

Decide

"Did you miss me that much that you have to cry all night?" biro ni Kuya Alif.

Linggo ngayon at kagigising ko lang. Pinuntahan ako ni Kuya Alif sa kwarto at siya mismo ang gumising sa akin. Ramdam ko ang pamamaga ng mata ko. I cried last night until I fell asleep.

Tumayo na ako at umiling na lang sa kanya.

"Sige na, bababa na ako mamaya. Maliligo lang ako," aniko at kinuha na ang tuwalya.

Tumayo na rin siya. Nakabihis na dahil magsisimba kami.

"Huwag ka nang magtagal pa, male-late tayo sa mass," aniya bago lumabas ng kwarto ko.

Naligo na ako at nagbihis. Habang nagsusuklay sa harap ng salamin ay inalala ko ang nangyari kahapon. Muling pumatak ang luha ko na agad kong pinalis. Alam ko namang hindi ko na magagawa pang kausapin si Mylene. I'm scared that the moment I talk to her, she'll tell everyone about what she know.

The day went smoothly. Kuya Alif's telling about how his work went well at ganon din naman si Papa. Masaya at nagtatawanan sila, nakikisabay na lang ako kung kailangan. Because it's so hard to smile when you're not okay.

Kung iisipin, sa lahat ng araw sa mga nagdaang linggo ay ngayon lang ang araw na naging normal talaga. Walang problema o kung ano. We're just catching up and enjoying the day.

Tiningnan ko ang phone ko at nakita ko ang iilang texts at missed calls galing kay Ahiro. Naandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain ng dinner. Hindi ko iyon tiningnan simula kagabi. Nang nakita kong nagflash ulit ang pangalan ay mabilis kong tumayo. I excused myself and went take the call.

Nangilid ang luha ko kaya naman ay huminga muna ako ng malalim bago iyon sagutin.

"I've been calling you. Bakit ngayon mo lang sinagot? I'm so damn worried about you, Aspen," aniya sa kabilang linya.

Natulala ako sa malayo. Pumatak ang luha ko. "My Kuya was home last night. W-We're not home today, pumasyal kami. At kakatingin ko lang sa phone ko, s-sorry.."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"I want to visit you. I want to see you. I want to know what's happening. Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin.." aniya.

Hindi ako umimik. Dahil baka marinig niya ang pagiyak ko. Mabuti na lang at walang tao rito sa labas at madilim na.

"Aspen.. we're in this together. Whatever your problem is, it's already my problem, too. Kaya kung ano man ang nangyayari.. you can tell me about it.." aniya.

Hindi naging madali ang tawag na iyon. Hindi ako umimik at siya lang ang nagsasalita. I had to hung up and tell him I need to go when I can't hold it any longer. Tumagal ako sa labas para patahanin ang sarili bago bumalik sa loob.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila nang makita ako pero wala ring sinabi. I sleep that night with my head full of worry for tomorrow.

Kabado akong naglalakad sa hallway habang lumilinga sa paligid. Hindi ko pa nakikita si Mylene maski si Ms. Cruz. Masyado akong napaaga dahil hindi traffic tulad ng aking inaasahan. Nasa dulo na ako ng hallway ng halos mapatalon ako sa takot at kaba nang ginulat ako ni Kate.

"Tulala ka na naman..." aniya.

Pero bago ko pa siya masagot ay nakita ko na ang mabilis na paglalakad ni Kych na may hawak na kung ano. Namumula ang mata na nakatingin sa akin habang magulo ang buhok. Gumapang ang kaba sa akin. Pati si Kate ay napatigil nang makita si Kych.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now