Kabanata XXVI

1.3K 49 0
                                    

Kabanata XXVI

Mad

Nasa kwarto ako ngayon. Hindi pa rin nakakatulog dahil sa mga nangyari. Pagtapos naming kumain hindi na rin ako nagtagal pa sa baba. Everything feels so weird.

Dapat masaya ako dahil sa naging reaksyon nila lalo na ni Papa. Walang nagalit, hindi siya nagalit. But seeing that he's forgotten the past and he's taking everything lightly makes me doubt whatever's happening right now.

What changed his mind? What makes him so calm and collected while bringing up that topic? And what happened to him that he's okay that I'm working with Ahiro?

Siguro ay binaon niya na sa limot ang galit? Pero paano at kailan nangyari iyon? Noong umalis ako dito at nanatili sa Siargao? O noong nakagraduate ako at pumasa sa board? O baka naman hindi niya naman talaga nalimutan ang galit pero inisip na hindi naman na iyon importante lalo na't sobrang tagal na?

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Since I stayed up all night, I woke up late as expected. Kaya hapon na ako bumisita sa site.

Akala ko ay wala doon si Ahiro pero nang papaakyat na sana ako sa second floor para tingnan kung ano na ang nagagawa ay nagulat ako nang makasalubong ko siya! Pababa siya habang ako naman ay paakyat.

Napahinto siya, ganon din ako. I tried to smile and nodded my head to greet him.

"Kararating mo lang?" tanong niya.

Tumango ako. "Kasama mo si Engineer Kurt? Hindi ko nakita sa baba, e."

"Hindi siya makakapunta ngayon kaya ako muna ang pumalit." aniya habang pinagmamasdan ako.

"Oh.. Okay," sabi ko.

Nangalay ang ulo ko sa pagtingala sa kanya lalo na't matangkad siya at nasa mas mataas na baitang siya nakatayo.

"Bakit? You're disappointed you won't see him today?" nahimigan ko ang galit sa boses niya.

Hindi pa nakakabawi sa pagkakangawit ang leeg ko ay muli ko siyang tiningnan. Nakakunot ang noo niya.

"Hindi! Bakit naman ako madidisappoint?" taka kong tanong.

"Then why do you look so down?"

"I'm tired from work,"

Pero sa totoo lang ay dahil iyon sa iniisip ko pa rin ang kay Papa hanggang ngayon. Hindi pa rin makapaniwala.

Hindi siya nagsalita kaya naman akala ko ay aalis na siya. Lumakad akong muli paakyat, nilagpasan siya. Napahinto lang nang bigla niya akong pinigilan.

"Where are you going?" he asked.

Nilingon ko siya. Mas mataas na ako sa kanya ngayon pero hindi siya ganoong nakatingala para kausapin ako dahil sa katangkaran niya.

"Titingnan ko kung ano na ang natapos ngayon,"

"Hindi mo na kailangang gawin 'yon.. 'Tsaka paalis na rin sila dahil malapit na matapos ang trabaho."

"Saglit lang naman. Kung kailangan mo nang umalis... I can manage it from here. Ako na ang bahala sa kanila."

"I'm not leaving yet.." galit niyang sinabi. "You want me leave now?"

Hahakbang na sana ako pero agad iyong natigil nang marinig ko ang sinabi niya. Agad ko siyang nilingon.

"W-Wala akong sinasabing ganyan, ah!"

Gulat ako dahil wala naman akong nabanggit na gusto ko na siyang paalisin ngayon.

"Then why are you telling me na ikaw na ang bahala sa kanila? Isn't it the same thing? That you want me to leave this place?" mas madiin niyang sinabi.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now