Kabanata XXIII

1.3K 46 0
                                    

Kabanata XXIII

Guilty

What he said bothered me. Napuyat ako kakaisip doon. Paggising ko ay tinext ako ni Mrs. Go na titingnan daw ang lupain kasama ang ibang engineer. Hindi ako nakasama dahil nagkaroon ng emergency meeting sa kompanya.

Sa unang araw ko sa site ay nakita ko siya. Si Tyron ay nag-iikot kasama ang ibang engineer habang ako rito ay kasama si Ahiro.

Seryoso itong nakatingin sa blueprint na hawak, may kausap na ibang tao. Sumulyap ito sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin at inabala ang sarili.

Simula pagdating ko rito ay wala siyang nabanggit tungkol sa sinabi niya noong nakaraan. Binabagabag ako non hanggang ngayon but seeing him acting himself right now, not mentioning anything from last week, I guess he's just bluffing about what he said.

Hindi ko na ulit siya naabutan sa sumunod pang mga araw. I always look for him whenever I visit the site pero tulad ng mga nakaraang araw ay wala siya. Minsan ay umaga siya habang hapon naman ako, minsan naman ay baliktad. Katulad ngayon na hapon na ako bumisita.

"Engineer Magdameo, finally! Akala ko ay hindi na kita maabutang narito," ani Engineer Kurt habang sinasalubong ako.

Ngumiti ako at tumango sa kanya habang tinitingnan ang report doon.

"Nandito ka pa pala, Engineer," bati ko.

Ngumiti siya. "Well.. I have to check everything before I go home. Ikaw ba? Tapos na ang trabaho mo?"

"Yes, katatapos lang kaya ganitong oras na ako nakalabas. Uhm.. Si Engineer Takahashi ba pumunta rito?" nag-aalinlangan kong tanong.

"Kaninang umaga raw ay nandito siya. Hindi rin nagtagal dahil may aasikasuhin. Why?"

"Ah.. W-Wala. Itatanong ko lang sana kung maayos na lahat at kung may kailangan pa rito," palusot ko.

Sobrang lito ako. I think Ahiro is lying about what he said but at the same time I'm hoping it's true. Nagulat ako nang bigla akong tapikin ni Kuya Alif sa balikat kaya naman agad akong napalingon sa kanya.

"Nandito na tayo," aniya.

Tumango ako. Lumabas na sa sasakyan at hinintay siyang lumabas na rin para sabay kaming pumasok sa loob.

Today is the day. Sumabay lang ako kay Kuya Alif dahil coding ang sasakyan ko. Pagkagising ko pa lang kanina ay ito na agad ang nasa isip ko. Mabagal nga ang kilos ko kanina pa dahil masyadong okupado ang isip, muntik-muntikan na malate dahil naabutan kami ng traffic. Mabuti na lang at sakto lang ang dating namin.

"Everything's okay?" tanong ni Kuya Alif habang naglalakad kami papunta sa elevator.

"Of course..." ngiti ko.

"You sure?"

Tumango ako at tinawanan na lang ang sinabi niya. Nang nasa office na ako ay sinubukan kong abalahin ang sarili ko sa mga papel doon. Pero hindi ko magawang makapagfocus dahil lumilipad sa ibang bagay ang isip ko.

Kung totoo ang sinasabi niya, hindi ba dapat sinabihan niya ako kung saang lugar? And does he know what time I'll be finished? Kaya paano niya nasabi pagtapos ng trabaho ko, e hindi ba't may trabaho rin siya?

But what if that ain't true? Baka naman umaasa lang akong totoo iyon? At bakit magiging totoo iyon? Imposible! Lalo na't may nakaraan kami. Ano 'yon, biglang date na lang? I'm even thinking that he is still mad at me because of what I did.

Or maybe he's moved on? Found someone new... and that's Aria? But why would he go out with me if he's already with Aria? That's cheating!

My thoughts were interrupted when someone knocked on my door. The door opened and I saw Kuya Alif.

He's my professor (Professor Series #1) Where stories live. Discover now