Amari's Heart

3.8K 94 18
                                    

A/N:

Hi, lovies! Please read the first story before reading this one!

IN A HEARTBEAT (Book 1) -  https://my.w.tt/kjWCgFvTV6

Thank you and enjoy!

P.S. SLOW UPDATE!

***

"Goodmorning, gorgeous," napakunot ang noo ko noong marinig ko ang mahinang boses ni Veron sa tenga ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napangiti na lamang noong mamataan ko ito sa tabi ko. Slowly, he kissed me.

"Veron, kagigising ko lang," sambit ko dito, mabilis na inilayo ang ulo at inilagay sa bibig ang kamay ko. Umiling ako dito at napasimangot na lamang noong makita ang ngisi nito sa akin.

"Alright," aniya at tumayo na muli sa pagkakahiga sa kama. "Nasa baba na si Ayah. I'll prepare her breakfast then ihahatid ko na ito sa school niya."

Mabilis akong natigilan at napabaling sa orasang nakasabit sa dingding ng kuwarto namin. Napaawang ang labi ko noong makitang mag-aalas otso na pala ng umaga! Agad akong napaahon sa kinahihigaan at mabilis na kumilos patungo sa banyo.

"Sasama ako sa inyo!" sigaw ko kay Veron at mabilis na isinara ang pinto ng banyo. Agad akong naghubad ng damit ko at pumuwesto sa ilalim ng shower.

Naging mabilis ang kilos ko sa loob ng banyo. Ayaw kong paghintayin ang mag-ama ko. Time is gold sa kanilang dalawa. Even my four year old daughter is strict about being on time. Mukhang nagmana talaga ito kay Veron!

"Amari! Babe, come on!" Rinig kong sigaw ni Veron noong nakalabas na ako ng kuwarto namin. Dali-dali akong lumapit sa anak ko at mabilis ko itong hinalikan sa pingi.

"Goodmorning, baby," bati ko sa kanya at tiningnan ang plato sa harapan nito. "Done with your food? Come on, mommy's free today. I'll come with you."

Kita ko ang pagngiti ng anak ko at mabilis akong niyakap.

"Is your headache gone, mommy? You're not sick anymore?" Maingat na tanong ng anak ko na siyang nagpangiti sa akin.

"Mommy's fine, baby. I'm not sick."

Napabaling ako kay Veron na ngayon ay tahimik lang na nagmamasid sa amin. Nginitian ko ito kaya naman ay lumapit ito sa amin ni Ayah.

"Don't worry about mommy, baby. She's a strong mommy, remember?" mahinang tanong ni Veron sa anak namin habang hinahaplos ang buhok nito. "Come on, you two. Baka malate na iyan sa school."

Humiwalay si Ayah sa akin at tiningnan ang ama nito.

"B-baka m-malate?" nahihirapang tanong nito sa amin kaya naman ay nginitian ko ito. I love how my daughter trying her best to learn speaking Tagalog. Pag may hindi ito pamilyar na salitang naririnig mula sa amin ni Veron ay agad itong nagtatanong.

"Daddy means you'll be late if we don't leave now. So, let's go?"

"Alright," sambit ng anak ko at binuhat ko ito pababa sa upuan niya.

Panay ang daldal ni Ayah habang nasa sasakyan kami. Veron was just smiling to our daughter's creative way of describing things around her and I just can't hide my amusement while listening to her. She's a smart little girl. Minsan nga ay iniisip ko kung anak ko ba talaga ang batang ito. Sa tingin ko kasi ay hindi ako matalino noong bata pa ako!

She's just four years old girl! At kung magsalita ito ay parang nasa edad siyam o sampu na ito. She's advance in everything!

"Be a good girl today, baby," sambit ko dito at inayos ang pagkakalagay ng bag niya sa likuran nito. "Don't forget to say thank you to your teachers after your classes, okay?" marahang paalala ko pa dito at hinaplos ang pisngi nito.

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now