Chapter 1

600 85 356
                                    

(A/N: This story needs major editing. Expect grammatical and typo errors. Please be understanding and read at your own risk.)

Athena's POV

"HERA ATHENA CHUA! MATULOG KA NA KUNDI SUSUNUGIN KO YANG LAPTOP MO!" Ayan na. Galit na ang aking martir na ina. Nasabi kong martir dahil maliwanag pa sa sikat ng araw at buwan ang panloloko ng aking ama sakanya eh di parin nya kayang hiwalayan. Aba, kung ako siya eh matagal ko nang ipinatapon sa Mars ang magaling kong ama. Tsk. Kaya nakakabwisit ang lintik na pag-ibig na yan eh.

Ayun nga, kaya naninigaw na ang aking ina ay dahil alas-onse na ng gabi ay nakaharap pa ako sa aking laptop. Bakit? Aba ay na-hack na naman ang aking ika-pitong account dahil lang naman sa nabuking ako na isang poser at ang ginamit kong tao ay isa palang artista ng Korea. Aba di ko naman alam na artista pala yun eh di diko sana ginamit. Kaya ayun naghahanap na naman ako ng bagong mukhang pwedeng gamitin sa pagpapanggap.

Habang naghahanap ako ay magpapakilala muna ako. Ako si Hera Athena Chua, 20 years old, 3rd year college, taking up Mass Communications sa Dawson University, an elite school. Well, elite school para sakanila, pero para sakin ay isang playground lang ng mga bitches, players at gangsters.

Ang pamilya ko ang isa sa mga pinaka kilalang pamilya sa buong Pilipinas dahil sa yaman at katanyagan. Ang papa ko ang CEO ng Chua Industries na siyang pinakamalaking company sa bansa. Ang mama ko naman ay isang sikat na newscaster sa isang kilalang TV station.

Nag iisa akong anak kaya sabi nila spoiled daw ako. Pero di nila ako kilala ng mabuti. Di ako pala kaibigan. Well, pinipili ko lang ang kaibigan ko dahil maraming plastik ngayon. Kakaibiganin ka lamang dahil mayaman ka at kilala ang pamilya mo. Pero sa likuran mo ay dinuduraan ka na pala.

At ang pinaka dapat nyong malaman sa akin ay... AKO ANG PINAKAMAGALING NA POSER SA BALAT NG LUPA. Well, kahit nabuking ako ng isang beses ay isang beses palang naman yun. Magaling ako sa pagtatago ng katauhan ko sa pamamagitan ng paggamit ng ibang mukha. Mapa babae man o lalake. Pero mas gusto kong gumamit ng mukha ng lalake dahil ang sarap paglaruan ang mga bitches na madaling makuha.

Bakit ko to ginagawa? Wala lang. Boring ang buhay ko kaya naghahanap ako ng pagkakaabalahan at dito ko nahanap ang kasiyahan
Bwahahaha.

Habang nagba-browse ako ng mga gwapong mukha sa facebook ay nakatawag pansin sa akin ang mukha ng isang lalake. I clicked the mouse to see his profile.

Jechoniah Brylle Kang ang pangalan. One word to describe him? Gwapo. I checked his photos at pinag aralan ang mga ito para masigurong hindi siya poser. Aba, kilala ko ang poser sa hindi dahil poser din ako. Wahahaha. .. This guy has a very expressive eyes, long eyelashes, natural red lips and oh so kinis na balat. I checked his About page at ang nakalagay lang doon ay ang kaniyang birthday which is February 20, 1995. Which is I think 24 years old na.

"Ikaw na ang hinahanap ko, " I grinned at the thought. Nag copy ako ng mga photos niya at nagsimula na akong gumawa ng bagong account. Ang nilagay kong pangalan ay Prince Zachary Kang.

Gustung-gusto ko kasi ang mga lalakeng may Prince na pangalan kaya yun madalas kong gamiting name sa mga accounts na ginagawa ko.

Ang nilagay kong birthday niya ay February 14, 1995 at ang nilagay kong address ay Vigan City, para kung makikipagkita na mga babae ay may mairason akong malayo ang lugar ko. Wala akong nilagay na eskwelahan para di nila ako matunton. Wahaha...

Pagkatapos kong i fill up ang mga basic info's ay nag upload na ako ng mga pictures.

I stretched my hands pagkatapos kong mai upload ang lahat ng pictures na na copy ko. I yawned and looked at the wall clock. Alas-dos na ng madaling araw. I closed my laptop and lay down my bed. I-che-check ko nalang ulit ang bagong account ko bukas. And with that, I dozed off.

She's my PoserWhere stories live. Discover now