Chapter 19

138 50 204
                                    

Athena's POV

"What should I do first Kei?" I asked Keiry over the phone. Di ko kasi alam kung ano ang una kong gagawin para i-approach si Jecho. Ofcourse kailangan ko 'yong paghandaan noh?

Matagal na din yung last na nagkita kami. I need to do my part of the bargain. I need to make sure that he is not stressing himself as what his mom told me. Bumalik na din kasi si Papa sa bahay kaya sobrang masaya ako. Bumalik na yung dating sigla ng bahay namin. Si Mama naman pumayag nang i-announce ang good sides ng Villas Group of Companies. Ngayon nga ay gumaganda na ang tingin ng tao sakanila.

"Why don't you cook at dalhan siya ng pagkain sa office niya? Tutal sabi mo nga na di siya ganun nakakakain so why not try to bring him food?"

"But I don't know how to cook!" reklamo ko. Maliban kasi sa noodles wala na akong ibang alam lutuin. I can't even fry a simple egg.

"Madaming cooking books sa bookstore. Try mo kaya magbasa ng ganun. Or just order something and dalhin mo dun kung umubra na naman yang katamaran mo," she said na nakapagpairap sakin kahit di niya ako nakikita.

"Okay, okay. Thanks Kei. Talk to you again," I said at binaba na ang tawag. Ginawa ko nga ang sinabi niya. I ordered food from my favorite seafood restaurant. Yes, 'ordered'. Masyado akong busy kaya to cook noh, duh?

So yun nga, I ordered food then drives my car to their company.
-----------------------------

Nang nakarating ako sa kumpanya nila madami na agad guards ang pumigil sa pagpasok ko. Tinaasan ko naman sila ng kilay. Di ba 'ko kilala ng mga ito?

"Ma'am pasensiya na po di po kayo puwede pumasok kung wala kayong scheduled appointment," sabi nung isang guard. Nawiwindang na ako dito. Ilang minuto na ako dito pero di parin nila ako pinapapasok.

"Look, I have something to tell your boss,ok? And don't you know me? I am the CEO of Chua Industries! Isn't that enough reason for you to let me in?!" Ayan pinakilala ko na ang sarili ko. Wala sana akong balak magpakilala eh pero nabubwisit na ako. Ang init init dito sa labas tapos di nila ako gustong papasukin.

Natigilan naman sila pagkarinig ng Chua Industries. Bahagya pa silang nagbulungan kung pwede ba daw ako papasukin or hindi. Sinamantala ko naman ang pagkakataong yun para pumasok sa loob. Hinabol pa nila ako pero sorry sila mas mabilis akong nakalakad. Mabuti at nakabukas ang elevator nang panahong yun kaya nakapasok ako kaagad.

Alam ko naman ang office floor ni Jecho because I researched it also. Duh, di kaya ako pupunta dito nang walang alam noh? Pagkarating ko sa 15th floor, dirediretso ako papuntang office niya.

"H-hello Ma'am what can I d--"

Di ko pinansin ang pagsasalita ng secretary niya at binuksan na ang pintuan ng opisina niya. Nakita ko naman siyang nakaupo patalikod sakin. Nakaharap siya sa laptop niya at kasalukuyan ata siyang nakikipag video conference.

"What about business department? What's the starting date of your respective projects? And how about the ending date? How's the project progressing now? Who is incharge of exporting? Tell me!"

Kumunot naman ang noo ko sa pagsigaw niya. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at nilapag ang box ng pagkain sa mesa niya.

"Lunch time, here's your lunch," sabi ko pero di niya ako tinignan. He even waves his hand as if telling me to just put it there and leave. Nakikinig lang siya sa reports na sinasabi ng ka video conference niya.

Di naman ako umalis. "I said it's time to eat," irirable ko nang tugon. Di kasi niya ako pinapansin eh.

"Are your eyes for excretion? Don't you see I'm work---" nabigla naman siya nang tumingin siya sakin at napagtantong ako ang nasa harapan niya. "What are you doing here?"

She's my PoserWhere stories live. Discover now