Chapter 29

112 39 92
                                    

Athena's POV

Bahagyang umawang ang labi ni Jecho nang makita ako sa likuran niya mula sa salamin. Matalim niya akong tinignan.

"Bat ka pumasok?" aniya na hinarap ako.

Ngumiti naman ako ng maluwang. "Wag kang matakot. Tandaan mo lahat ng ginagawa ko ay para sayo," sabi ko. Tumingin tingin naman si Jecho sa paligid kung may ibang tao.

"Di mo ba nakikitang CR to ng lalake? Bat ka pumasok dito ha?"

"E ano ngayon?" sabi ko pa na mas lumalapit sakanya.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng isang cubicle at may lalakeng lumabas mula dun na mukhang nagulat nang makita kami ni Jecho. Nakalapat na kasi ang kamay ko sa dibdib ni Jecho kaya sa tingin niya may ginagawa kaming bad. Haha. Ayun nagmadali siyang lumabas ng restroom.

Nung nawala na ang lalake hinawakan ko ang panga ni Jecho para mabuksan niya ang bunganga niya. "Buksan mo muna bunganga mo. Kainin mo to dali."

Nilayo naman niya ang ulo niya. "Stop fooling around Athena. Umalis ka na ngayon din."

"Ehhh di ba nga sabi mo gagawin mo lahat ng hilingin ko?! Na lahat ng gusto ko you will do it?" Taas kilay kong sabi. "So sige na kainin mo na to please?"

Lumayo naman siya ng tuluyan sakin at tinuro ako. "I warned you last time!  Labas na ngayon din!" sigaw niya.

Ngumiti naman ako ng nakakaloko. Di mo na ako matatakot sa mga ganyan mo Jecho. Natuto na ako. "Wala ka ng kawala pa sakin Jechoniah Brylle." Tumakbo ako papunta sakanya at pilit pinapakain sa bunganga niya ang gamot. "Eat this! Eat this!" Nahuli naman niya ang braso ko at mahigpit na hinawakan yun.

"What do you really want to do huh?!" galit niyang sabi. Umikot ikot ako sakanya para matanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko pero di talaga niya binitawan.

"Gamot to!" Dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko, bigla kong naibato ang gamot sa ere.

Para namang nag slow motion ang gamot sa ere. Nakabuka ang bunganga ko habang pinapanood ang paglayag ng gamot sa hangin. Hanggang sa unti-unting nahuhulog ang gamot at nahulog ito sa mismong bunganga ko. Bunganga ko!

Napatingin si Jecho sakin dahil sa paglanding ng gamot sa bunganga ko. Di ko siya nilulon. Hmmm... Tinignan ko si Jecho nang may naisip akong bright idea.

Tumihaya ako at bigla siyang hinalikan  sa labi. Siniguro ko na mapupunta sa loob ng bunganga niya ang gamot mula sa bunganga ko. Napalaki naman ang mata niya dahil sa ginawa ko. Iniyakap ko pa ang mga braso ko sa batok niya. Hanggang sa naramdaman kong wala na ang gamot sa bunganga ko at nalulon na niya.

Marahas niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sakanya

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Marahas niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sakanya. Hinawakan niya ang mga labi niya.

"Anong nararamdaman mo? Nalulon mo na ba?" excited kong tugon sakanya.

She's my PoserDonde viven las historias. Descúbrelo ahora