Chapter 24

120 45 140
                                    

Athena's POV

Nagising ako dahil sa may nag doorbell dito sa condo ko. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Nasira tuloy ang tulog ko. Humanda ang kung sino man yan.

Pabalang kong binuksan ang pinto. "Ano bang kailangan---Jecho?" I blinked my eyes a few times para masigurong siya nga ito.

Nagulat ako nang walang pakundangan siyang pumasok sa loob saka naupo sa sofa. Hinilig ko naman ang ulo ko habang pinagmamasdan siya.

"Bat ka nandito?" umupo ako sa harapan niya.

"Ako ang boyfriend mo bawal ba akong pumunta dito?" seryoso niyang sambit sakin. Boyfriend? E kahapon lang may pasabi sabi pa sakin ng 'From now on you're not my girlfriend anymore'. Di ko rin talaga maintindihan ang takbo ng isip niya. "So sabihin mo nga sakin pano kita pinakisamahan noon."

I furrow my eyebrows. "Hmmm...noon? Ahh, palagi mokong binibisita dito. Sinusundo moko sa kumpanya saka moko hinahatid pauwi araw-araw. Tapos sa umaga dinadalhan moko ng bulaklak tapos sa gabi tini treat moko sa isang dinner date. Tinuturing mokong prinsesa. Sobrang mahal na mahal natin ang isa't isa at di tayo nag aaway," sabi ko. Alam ko na lahat yun ay kabaliktaran ng lahat ng nangyari sa amin. Walang ganong mga nangyari sa totoo lang pero sige sakyan ko nalang siya.

Tinitignan naman niya ako habang sinasabi ko yun. "Then do you know the reason why I like you so much?"

Ngumuso naman ako saka ngumiti. "Syempre alam ko. Kasi...maganda ako. Noon nga palagi mo akong tinitignan kahit pa isang buong araw," Okay masyadong OA yun pero mejo totoo naman na tinitignan niya ako pasulyap sulyap nga lang. "Sabi mo pa na isa akong mahinhing dalaga kaya gusto mo akong hawakan sa iyong kamay araw-araw. Sabi mo na aside sakin, wala ka ng ibang gustong babae sa buong buhay mo," at wala talaga siyang sinabing ganun sakin. Yun lang ang inaantay kong sabihin niya noon pero di niya sinabi. Hayss. "Talaga bang nakalimutan mo na yun lahat?" I asked him.

"Well, that's all in the past. Ngayon ayaw na kitang makasama," sabi niya. Ouch. Durog hanggang buto mga bes.

"B-bakit?" tanong ko.

"No reason. As long as you promise to break up with me, I can promise you anything."

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Pero kahit ganun, pinakitaan ko parin siya ng ngiti. "So...kahit na gusto mo ako noon, pag mabigyan ka ng pagkakataon, ayaw mo na talagang makasama ako?"

Tumango siya nang walang pagkundangan. "Pwede mong isiping ganun nga."

"So, eto pala yung totoong nararamdaman mo para sakin. So yung mga sinabi mo noon na gusto mo ako na antayin kita, wala lang yun sayo? Di yun totoo ganun ba?"

Tinignan niya ako ng seryoso. "What do you mean? Antayin mo ako? For what reason?"

"H-huh? Ah...wala..." lihim kong pinunas ang luha ko. Gusto ko kusa niyang maalala ang tungkol dun. At gagawin ko ang lahat para makaalala siya. Tumingin na naman ako sakanya. "Anyways, I don't agree to break up."

"And why is that? Di ka pa ba nag gi give up sakin?"

Umiling ako. "Gusto ko paring makasama ka. Wala namang masama dun kung gustuhin ko diba?"

Huminga siya ng malalim. "Miss Athena, ano ba talagang gusto mo ha? Alam ko namang mayaman ka kaya di mo na kailangan ng pera. Kung status naman alam kong successful ka na. Ano pa ba ang kailangan mo para mag give up ka na sakin? Ibibigay ko lahat wag mo lang ulit akong guluhin. Alam ko may gusto ka lang patunayan kaya palagi mo akong ginugulo."

Ngumiti ako ng mapait. Ganun pala talaga ang tingin niya sakin? Na ang paglapit ko sakanya may dahilan? Na may gusto akong kunin sakanya?

"Alam mo ba, naisip ko na pareho ka lang din pala ng ibang lalake. You are selfish, wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba. Pagkatapos mong mawalan ng memorya para na ding nawala yang puso mo. You became conceited, arrogant and very cold. Wala ka ng pakialam sa iisipin ng iba. Pero alam mo the more you behave like this, the more I want to be with you. Because you're obnoxious. The more obnoxious you are, the more I wanted to change you," usal ko na nakatingin ng diretso sakanya.

She's my PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon