Chapter 4

201 71 310
                                    

Jecho's POV

"Hey bro! Long time no see!" Angelo fist bumped at me as we saw each other again after a long time.

Andito ako ngayon sa Night Club na paborito naming puntahan ni Angelo. Maingay, amoy alak at amoy whores ang nandito. Matagal nang di ako nagpunta dito since bumalik ako galing LA and because of work.

"Yeah. So how's London? Siguro naman nagtino ka na sa pagiging playboy mo," I said as I sat infront of an empty table. A waitress came and put a hard drink on our table. Guess nakapag order na si Angelo kanina.

He took one bottle and drinks from it. "Well, wala pako nakikilalang babae na makakapagpatino sakin," he chuckles and looks at me. "How 'bout you? Balita ko ikaw na ang hahawak sa kompanya niyo?"

"Yeah. Wala namang ibang hahawak eh. Besides, I know I can handle it very well," I said cooly as I put the alcohol in a glass with ice. Di ako sanay na tinutungga ang bote ng alcohol. I shake it lightly and sips from it

"O well, ikaw ba naman. The great Jechoniah Brylle. By the way, nahihilig ka ba sa social media these days? Particulary fb?" he asked suddenly na nakapagpataas ng kilay ko.

"No, alam mo naman na di ako mahilig dun. Why?" I asked while tapping my fingers on the table. I have fb yes, pero di ako ganon ka active. Puro kagaguhan lang naman ang nakikita dun. Kung di pagkain ang pino post, mga mukha ng patay na nasa loob ng kabaong, ganun. Gross. Iba naman nakikipag away at nagpaparinigan. Naiiling nalang ako.

"Well..." he grinned and shakes his head. Weird. Parang may alam ito na kalokohan eh.

"Ano nga? Bakit ganyan ang mukha mo? May kalokohan ka na naman bang ginawa?" I eyed him. Alam ko ang mga galawan netong kaibigan kong to eh.

Back in college days pag ganyang itsura na ang pinapakita nya malamang may inagaw na namang gf ng iba. Dakilang playboy 'yan eh pero ang pinupuntirya niya ay mga hindi na single. Inaagawan niya ang mga lalake kaya laging nababangasan ang mukha.

"Wala," he laughs at umiling iling. "I'll tell you pag sigurado na ako sa katauhan niya." He said na pinagtaka ko.

Niya? Sinong niya kaya yun?
_________________________

Athena's POV

Nakahiga nako sa kama pero di parin ako makatulog. Naka ilang baling nako sa higaan pero di ko parin makuha ang tulog ko.

Pano ba naman hanggang ngayon nababanas parin ako sa kampon ng diyablo na lalakeng tutor ko kuno, dumagdag pa yung Angelo na yun na akala mo sino na binubuking ako.

Napaupo ako sa sobrang stress. Napagdesisyunan kong lumabas muna. Tama, mag ca clubbing nalang ako para makapag relax. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Keiry.

"What?" sabi niya agad pagka receive niya ng tawag. Wala eh, di uso sakanya ang 'hello'pag nag re-receive ng tawag.

"Clubbing tayo. I need to relax, as in now na" I said habang hinuhubad ang pantulog ko. Ni loud speaker ko muna ang phone saka binuksan ang closet ko.

"Seryoso? Bat mo naman naisipang mag clubbing ng ganitong oras, aber? Baka nakakalimutan mo may klase tayo bukas. Maglala---"

"I'll wait for you sa Night Club. Bye," at pinatay ko na ang tawag. Sinesermonan na naman ako eh kaya pinutol ko na ang tawag. Well, di naman ako nun matitiis kaya alam ko na darating siya.

Sinuot ko ang black tshirt ko na may larawang gitara at sinuot ko ang maong shorts ko na 'gang tuhod ang laki. Boyish ba? Well, di lang ako sanay na magsuot ng mga dresses at kung anu-ano pang kaek-ekan ng nga babae. Naniniwala ako na ang ganda ay hindi nakikita sa panlabas na anyo kundi sa loob. O diba ang lalim parang eyebags ko. Hahaha.

She's my PoserWhere stories live. Discover now