Chapter 27

107 41 117
                                    

Athena's POV

I clicked the elevator button to go out from this hellish place. Nakatungo akong nag aantay na bumukas ito.

"Athena?" narinig kong may tumawag sakin. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko doon si Angelo.

"Oh, Angelo. Andito ka din pala," I said.

"Bakit ka nandito?" he asked me. Napahinga naman ako ng malalim nang maalala na naman ang nangyari.

"Ahh... W-wala naman. May inasikaso lang ako dito," pagdadahilan ko. "Sige, aalis na ako." Akma na akong lalakas papunta sa loob ng elevator nang pigilan ako ni Angelo.

"Teka, anong nangyari sa pisngi mo? Bakit namumula?" tanong niya. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Dahil siguro sa sampal ng bruhildang Maui na yun.

"Ah... Naku, wala to. Mainit lang siguro," ngumiti ako ng alanganin sakanya. Akma kong tatanggalin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero di niya yun binitawan.

"Who slapped you?" tanong niya. May bahid na ng galit ng boses niya. Ngumuso naman ako.

"Wala yun noh? Sinampal ko din naman siya pabalik. Ako pa ba. Di ako nagpapatalo noh? Duh," I said para ikubli ang pagkainis ko.

Seryoso parin siyang nakatingin sakin. "Sinaktan ka na naman ni Jecho noh?"

Tumingin naman ako sa mga paa ko. Bigla naman siyang lumakad paalis kaya pinigilan ko siya.

"T-teka Angelo," I grabbed his hand. "H-hindi siya ok? Si Maui! Siya ang nakaaway ko." Napatigil naman siya sa sinabi ko. "Napaaway ako sa kanya kanina at sinampal niya ako. Pero ok na yun." I smiled at him. "Wag ka ng tumuloy madaming reporters sa loob baka kung ano ding tanungin ukol sayo."

"Bat siya nakipag away sayo?" tanong niya sakin ng seryoso.

"Ha? Ano..." napakamot ako sa ulo ko.

"Dahil kay Jecho noh?" he sighed at biglang hinawakan ang kamay ko.

"T-teka Angelo, anong ginagawa mo? Ang daming tao baka ma issue na naman tayo," akma kong tatanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"I wanted to make it clear to him. Kung may gusto na siyang iba ayoko nang guluhin ka pa niya kahit kailan."

"Eh... Di naman niya ako ginugulo Angelo. Ako na ang gagawa nun. Yung relasyong meron kami ni Jecho diba nga na issue. Kaya I explained it to the media kanina. Pero in the near future I think, di ko na siya guguluhin pa."

"E bat ka aalis?" kapagkuan ay tanong niya sakin. "Di pa naman nagsisimula ata ang banquet bat ka na aalis?"

I sighed. "Di naman ako dapat andito Angelo eh. Saka sa mga nangyari ngayon pag bumalik pa ako dun baka kung ano na namang isipin ng iba ukol sakin."

"Wala kang ginagawang masama bat ka aalis?" napatingin ako sa mata niya sa bigla niyang pagsigaw. Ngayon ko lang nakitaan si Angelo ng ganitong emosyon.

"Di mo alam ang nangyari Angelo, why do you trust me this much?"

"I'm here now. No one dares to hurt you or make you get out," hinawakan niya ulit ang kamay ko. Nagpatianod na lang ako sakanya nang giniya niya ako pabalik sa loob ng hall. "Go back with me."

Pumasok nga ulit kami sa loob. Mas dumami na ang tao ngayon kumpara kanina.

"T-teka Angelo, anong balak mong gawin ha?"

Nakita naman namin si Jecho na nakikipag usap sa mga bisita katabi si Maui. Tumungo ako para di na sana makita ang tinginan nilang dalawa.

"Chest out. Heads up. Isipin mo kamatis lang sila para di mo sila pakialaman," Angelo said and offers me his arms. Nang di ko yun tanggapin, siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at iniangkla niya sa braso niya. "You'll see. I will definitely make him regret."

She's my PoserHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin