Chapter 28

116 42 113
                                    

Jecho's POV

"Jecho," sambit ni Maui kasi kanina pa ako wala sa sarili. Nandito kami sa loob ng kotse at hinahatid ko siya pauwi. Di ko alam anong nangyayari sakin pero mabigat ang pakiramdam ko.

Bahagya ko siyang tinignan saka binalik sa daan ang tingin. "Huh? Ano yun?"

Huminga siya ng malalim. "Iniisip mo parin ba si Athena?"

"No." diretsa kong sagot. "By the way, kumusta ang paa mo?" pagpapalit ko ng usapan.

"I'm fine," sagot niya at tumingin na sa labas ng bintana. "Ayaw mo bang malaman bakit...sinamahan kita ngayon at tinulungan?"

"Sa tingin ko naman ay inimbita kita para may kasama ako. Pero kung natatakot ka na maeskandalo din ng media at ma-misunderstood din ang relasyon natin..."

"I won't let you apologize. Kung di ikaw si Jecho,sa tingin mo ba tutulungan kita? Alam ko namang wala lang ako sayo eh. Alam ko na kahit anong gawin ko o ibigay ko sayo, isa lang akong babae ng 'yong nakaraan. Para sayo, isa lang akong kaibigan at di na lalagpas dun. Bakit ko nga ba ginagawang tanga ang sarili ko," aniya at tumingin na naman sa labas.

"I'm sorry," nausal ko sakanya. "Diko alam na ganun mo na pala ako kagusto."

"Alam mo ba noon, napaka close mo sakin. Pero ngayon..." she sighed. "Just drop me off there. Malapit na din dito ang bahay namin."

Tinigil ko naman ang kotse sa tabi ng daan. Bumaba din ako nang bumaba siya. "Maui."

She looked at me. "Don't look at me with such pity eyes. Di ko alam anong nangyari satin. Pero wala akong magawa kundi tanggapin yun."

Lumapit ako sakanya. "Tell me anong pwede kong gawin para makabawi sayo."

"Then meet me up tomorrow night. I will wait you at the same milk tea shop we used to go to. Remember, you must come," she said at tumalikod na.

I sighed saka pumasok na sa kotse ko.
---------------
Athena's POV

Pagod akong sumalampak sa kama ko pagkauwi ko galing sa banquet party. Nagulat naman ako nang lumabas si Kei galing sa banyo.

"May balak ka bang tumira na dito?" usal ko sakanya. Umupo siya sa bed at nahiga. Kinuha na naman ang libro niya at nagbasa.

"Binabantayan kita. Baka magpatiwakal ka bigla," sabi niya na kinasimangot ko. "So, anong nangyari sa party? Di ka naman nagkalat dun noh?"

"Psh," umupo ako saka tumabi sakanya sa kama. Kinuwento ko sakanya ang mga nangyari. "Sa tingin mo Kei, bakit kaya gusto niya akong makausap pagkatapos kong sabihing wala na akong pakialam sakanya? Di kaya sobrang nagalit siya sa mga pinagsasabi ko at naalala na niya ako?" Niyugyog ko pa ang balikat niya.

"Idiot, syempre nakipag break na siya sayo kaya kailangan niya ng closure."

"Closure?" I blinked my eyes at her.

"Syempre kailangan yun pag tapos na ang isang relasyon to avoid complications."

Tango lang ang naisagot ko. So kailangan lang niya ng closure? Bigla naman akong may naisip. Pagkakataon ko na to! Malay natin maalala na niya ako diba? Tumayo at kinuha ang gamot sa loob ng drawer ko. Syempre nagpa consult ako sa isang doctor at sabi niya effective daw to para sa mga nawalan ng alaala. Ngumiti naman ako sa naisip.

"Oy, ano na namang kalokohan ang iniisip mo jan?" narinig kong tanong ni Kei. Pinakita ko naman sakanya ang gamot na hawak ko.

"Bukas ipapainom ko to sakanya. Malay mo pagkainom niya ay maalala na niya ako," I grinned at her. Nanatili naman siyang tahimik ng ilang sandali pagkatapos ay kinutusan ako.

She's my PoserWhere stories live. Discover now