Chapter 5

209 69 265
                                    

Athena's POV

"ATHENA!!! MAY BALAK. KA BANG PUMASOK O WALA!!!" napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw ng Mama ko. Grabe ganyan ba talaga ang exercise ng mga newscaster sa bunganga nila? Kung makasigaw parang walang bukas eh.

I looked at the wall clock. Its 8 am. At 8:30 ang pasok ko. Gustung gusto ko pa sanang matulog pero I need to go to school.

I groggily stands up at tinungo ang banyo. Naligo ako ng mabilis at magbihis. I wore simple Guess shirt and rip jeans. Ofcourse di mawawala ang Nike rubber shoes ko. Saka ako lumabas at tinungo ang kusina kung saan nakaupo si mama at si... Oh never mind.

Pinukol ko siya mg matalim na tingin saka ako umupo sa harap ng hapag.

"You will start with your Math lesson today Athena. And by the way Ethon will drive you to school today," my mom said na nakadulot ng pagkasamid sakin.

"What the hell Ma! I can handle myself naman! I don't need a driver much more a tutor. I can make my grades high naman even without him!" pagkontra ko sa sinabi ng Mama ko. And that's true. Kung tulad din naman niyang kampon ng kadiliman ang makakasama ko no way highway!!

"Watch your words Hera Athena," pagkukumpleto ng Mama ko ng pangalan ko. Tumahimik na ako kasi wala na akong laban sa tono ng salita niya.

"And he will drive you kasi wala ka namang sasakyan dahil iniwan mo daw sa club? Who told you na magpunta sa club huh? Walang disenteng babae na nagpupunta sa ganoong lugar and gabing gabi pa talaga," pagpapatuloy na pagsasalita ng Mama ko. Aba't nagsumbong talaga ang diyablo ah!

"I'm sorry Ma," sabi ko nalang at uminom ng tubig. Wala nakong ganang kumain. Tinignan ko ang lalakeng nasa harap ko na tahimik lamang na nakikinig sa amin. I glared at him saka tumayo.

"Papasok na po ako Ma. Goodbye po," sabi ko pa saka naglakad na. Naramdaman ko namang may sumunod na masamang presensya sakin kaya binilisan ko ang paglalakad.

"Kahit magmadali ka pa late ka na," narinig kong sabi niya pero di ko siya pinansin. Wala akong balak pansinin siya ngayon kasi bukod sa late na talaga ako eh ayaw ko pang masira ang unang araw ng week ko. Alam nyo na you should start the week right to end it right as well.

Pero di ata umaayon ang tadhana sakin dahil naramdaman ko na naman ang kamay niya na kumakaladkad sakin papasok sa kotse. Pinasok nya ako sa loob saka siya pumasok din at inistart ang kotse.

"Seatbelt," sabi niya na sa harap nakatingin. Gustung gusto ko na talaga siyang patayin eh. I-google ko nga mamaya ang ways how to kill a devil.

Sinuot ko nalamang ang seatbelt ko at tumingin sa labas. Di ko talaga siya kakausapin bahala siya diyan.

"So nalulon mo na ba dila mo ngayon Chua?" narinig kong sabi niya. Tinignan ko siya ng masama saka huminga ng malalim. Di dapat masira ang araw ko. Inhale, exhale Athena. Relax. Smell the good vibes today. Pinaypayan ko ang sarili ko saka shinake shake ang mga fingers ko.

He chuckled. "What kind of craziness are you doing again huh?" he said na kinagat pa ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa.

Tinignan ko siya ng matalim. "Pwede ba I am starting my week right kaya wag mo akong bwisitin," I said na nakapagpatawa sakanya ng malakas. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Gwapo na nga sana eh pero may tililing din ata to.

"By the way, I will formally introduce myself, Im Ethon. Ethon Thirdy Roxas." he said saka ngumiti.

Ethon? Hindi Jecho? So hindi siya yung pino poser ko?

Tinignan ko siyang mabuti. 'Yong titig talaga. Kinunutan ko siya ng noo habang kinikilatis ang mukha niya. Hindi eh, siya talaga yun. Kamukha niya talaga. Di kaya poser din yung Jecho na iyon at ito yung totoong may ari ng mukha?

She's my PoserWhere stories live. Discover now