Chapter 34

89 30 44
                                    

Athena's POV

"This one. This one. And this one. This one. Pack up." Nandito kami ngayon ni Angelo sa mall at ipagsa shopping daw niya ako para daw marelax ako.

According to him, this is usually what girls do when they are stressed kaya pinunta niya ako dito. Di ko naman akalain na ganito siya mag shopping. Kulang na lang bilhin niya ang buong mall eh.

"All the eyeshadow, foundation, make up, face washing, make up discharging, pack all up." Tango lang ng tango ang sales lady habang sinusundan si Angelo. Manghang mangha naman akong nakasunod sakanya. Wahh, mayaman din ako pero di ako ganito mag shopping ah? Galante pala si Angelo. Swerte ng magiging gf nito. Pumunta siya sa bags section. "This one, and this green one, take them out. Pack the rest up."

"Okay," usal naman ng sales lady. Ngiwing ngiwi naman ako habang sumusunod sakanya. Napapatingin ako sa paligid. Pano kaya kung si Jecho ang kasama ko? Pano kaya kung okay ang lahat at di siya naaksidente? I sighed saka binaling ang tingin sa kinaroroonan ni Angelo pero wala na siya dun. Bumaling ako sa likod ko at nagulat ako nang andun si Jecho na nakatingin sakin.

Napako ako sa kinatatayuan ko at napatitig lang sakanya. Di ko alam bat siya nandito pero di ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko. We stayed looking at each other for I don't know how many minutes when I heard a snap of a finger.

"Hey Athena, okay ka lang ba?" Angelo asked me. Napatingin naman ako sa ibang direksiyon nang mapagtantong imagination ko lang pala ang nakita kong mukha ni Jecho. "Mukhang di ka parin masaya. Di pa ba sapat ang mga nabili natin?" he showed me the 5 paper bags he's holding.

"Ah. Hindi, hindi okay na. Oka na ako," umiling ako sakanya at ngumiti.

"May jewelry store sa harap ng mall. Halika bilhan kita ng malaking diamond ring," Angelo wiggled his eyebrows at akmang hihilahin ako.

"Angelo wag na. Di ko naman kailangan yun," pigil ko sa akma niyang paghila sakin.

"Bakit? Sabi nila walang forever na tao sa buhay mo pero may forever sa diamonds. Tara na," hihilain na naman niya sana ako pero tinalikod ko na ang kamay ko.

"Angelo, diamonds are just elemental crystals that consists of carbon elements. At ang mga bags na to," tumingin ako sa mga bags na naka display. "kahit gaano sila kaganda hindi nun mababago ang buhay ko. Pati ang mga make ups na to," tinignan ko ang mga paper bags na puno ng make up. "kahit gaano kaganda ang mga ito pag nilagay sa mukha, kung walang mag aappreciate nun, feeling ko di parin ako masaya," I said then sighs.

"Tsk tsk tsk, my poor little Athena, so anong gusto mong gawin hmm??" he looks at me smiling.

Tinignan ko ang mga binili niya saka ako tumingin sakanya. "How about isauli nalang natin ang mga to? Di ko naman ito kailangan eh. Or we can donate these sa orphanage or something? C'mon donate these all Angelo," pinahawak ko sa kanya lahat ng paper bags na nasa kamay ko.  "Donate it okay?" sabi ko pa at tumakbo palabas.

"H-huh... Donate?!" narinig ko pang sigaw ni Angelo pero di ko na pinakinggan.

Naglakad ako papunta sa labas. Magtataxi na lang din ako papuntang CI since di ko dala kotse ko. Papara na sana ako ng taxi ng mag ring ang phone ko. It's Kei.

"O bakit?" sabi ko at tumayo muna sa lilim ng isang shed.

"Nasan ka? Pwede favor? Pakuha naman sa Project Development Center ng VGC yung folder na naiwan ko oh. Kailangan ko kasi sa OJT ko bukas."

"VGC? Bat mo ako papupuntahin dun? Alam mo namang allergic ako sa mga tao dun eh. Saka ayokong makita yung CEO nil---"

"Gahh Athena, hindi ka naman pupunta dun para tignan siya ok? Dun sa PDC ka pupunta."

She's my PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon