Chapter 31

113 36 67
                                    

Athena's POV

Malakas akong umiiyak dito sa kwarto ko. Madami na ding nagkalat na tissue sa ibaba ng bed ko. Ilang oras na akong nagngangangawa pero di parin nauubos ang mga luha ko. Di parin nawawala amg sakit sa puso ko. Bakit ang unfair naman ng buhay? Kung sino pa ang mahal mo siya pa ang mananakit sayo. Siya pa ang magpapaiyak sayo.

Hinawakan ko ang kwintas na binigay ni Jecho sakin. "Wala kang kwenta. Isa kang malaking paasa hayop ka!!!" Marahas kong tinanggal sa leeg ko ang kwintas at nilagay sa loob ng drawer ko. Ang sakit sakit ng loob ko. Sobrang nasaktan ako sa mga ginawa niya dati pero yung sabihin niya mismong ayaw niya sakin, mas masakit pa sa masakit yun.

Nakita kong pumasok si Kei sa kwarto ko at umupo sa kama ko. "Tama na yan. Di lang naman siya ang lalake sa mundo."

I sniffed at kumuha na naman ng tissue at nag blow ng malakas saka tinapon na naman sa baba ang tissue. "Madali lang sayo yan kasi hindi sayo nangyari Kei. Ang sakit sakit dito," sabi ko at tinuro ang dibdib ko.

She sighed saka niyakap ako. "That's okay. Atleast you tried. Diba nga sabi mo you won't give up without a fight? You had a great fight Athena. Pero di lahat ng laban napapanalo. May mga laban na kailangan ng i give up kasi wala ka ng pag asang manalo. It's time to give up. It's time to move on," usal ni Kei na nakapagpatango sakin.

"Pero kasi... Wahhhhhh!!!!!" iyak ko na naman ng malakas na nakapagpangiwi kay Kei. Bigla namang nag ring ang phone ko kaya kahit malabo ang tingin ko dahil sa luha sinagot ko yun. "Hello?"

"Athena, iha," boses ito ng mom ni Jecho. "Can I talk to you?"

I sniffed again saka pinunas ang luha ko. "Sige po," sagot ko at binaba na ang tawag pagkatapos niyang sabihin kung saan kami magkikita.

Kahit na masakit ang mata ko sa kaiiyak nagpasya akong makipagkita sakanya. She said to meet her at their family house. Nag drive ako papunta dun wearing my sunglasses. Mugto kasi ang mata ko dahil sa ilang oras ng kakaiyak. Wala din akong tulog kasi di rin ako pinapatulog ng walang hiyang paasa na yun na ayaw ko nalang pangalanan.

Nakarating ako sa bahay nila at nakitang wala naman masyadong guards na nagpapalibot. Pumasok ako at nakita ko ang mom niya sa sala na nakaupo. Lumapit ako sakanya at nag bow sa harap niya.

"Upo ka iha," aniya kaya umupo ako sa harap niya. Napansin naman siguro niya ang sunglass ko na diko talaga tinatanggal pero di naman siya nag comment. "Kumusta ka na?"

"Ok lang naman po. Kahit naman nasasaktan ako dahil sa paasa niyong anak eh tuloy parin ang buhay ko," I said at tumango naman siya.

"Kaya kita pinatawag kasi gusto ko na sabihin sayo ang totoong nangyayari sa anak ko," kapagkuan ay sambit niya. Napatahimik naman ako sa sinabi niya. "Jecho has a severe trauma when he was a child. Ang amnesia niya ay hindi dahil sa aksidente niya kundi dahil nakakita siya ng maliwanag na ilaw mula sa sasakyang nakabangga sakanya."

"Maliwanag na ilaw po?" takang tanong ko.

Tumango siya. "When he was a kid muntik na din siyang maaksidente nun. Nakakita siya ng nakakasilaw na liwanag mula sa isang sasakyan at ng dahil dun nawala ang ilang alaala niya sa pagkabata niya. It was a trauma to him. Kaya sa tuwing nakakakita siya ng nakasisilaw na liwanag nawawalan siya ng ilang alaala. Nagkataon lang na nung naaksidente siya lately ikaw at ako ang nakalimutan niya."

Nabigla naman ako sa mga nalaman ko. So he has a trauma na nag cause sakanya ng amnesia. May ganun palang traumatic amnesia?

"P-pero... Di po ba niya alam yun?" tanong ko.

"Actually, hindi niya ala---"

"Anong hindi ko alam Mom?" nagulat naman kami nang biglang lumapit si Jecho samin at hinarap ang mommy niya. "Tell me what is that thing about me that I don't know?"

She's my PoserWhere stories live. Discover now