Chapter 47

73 25 30
                                    

Athena's POV

Nandito parin si Jecho sa condo ko at di lumalayo sakin. "Kelan mo ako dadalhin sa memory bank mo Jecho?" tanong ko sakanya.

"Don't rush. May isa pa akong gusto," aniya na nakapagpataas sa kilay ko.

Dinala niya lang naman ako sa isang sinehan na kami lang ang nanonood. Kasama ko si Mr. Han at si Kei na nanonood. We are watching a movie kung saan nakaratay ang isang babae na may amnesia.

"Don't keep me lying like this until I forget you," sabi ng babae na nakaratay sa kama habang ang asawa niya ay binabantayan siya at umiiyak.

"Don't say it anymore," sabi naman ng lalake.

Tinignan ko si Jecho at hilam hilam na siya ng luha. Tumingin ako sa likod at nagyayakapan si Kei at Mr. Han habang malakas na umiiyak ang kaibigan ko.

Okay? Ako lang ba ang di affected?

"So stupid," narinig kong sambit ni Jecho.

"Bakit naman?" tanong ko habang ngumunguya ng popcorn. "Yung amnesia ng babae ay makakaapekto lang sa lalake. Since di naman sila pwedeng magsama mas okay nang lumayo. Bakit mo pa hahayaan ang isa na masaktan?" sabi ko naman.

"So sinasabi mo na di kayo pwedeng magsama kung may sakit ang isa?" biglang tanong ni Jecho.

"Ang relasyon nila ay mali," I shrugged at him.

"Are you trying to piss me off here because I forgot you last time Miss Chua?" tanong ni Jecho na mugto ang mata sa kaiiyak.

"Wahhhhh!!!!" narinig ko ang malakas na iyak ni Kei sa likod kaya napatingin ako dun. May laman pang popcorn ang bunganga niya tapos ngawa siya ng ngawa. Napangiwi naman ako sa inaasta ng kaibigan ko. "Sorry, I didn't mean to disturb you. Sobrang nakaka touch lang talaga. Wahhhh!!!!" ngawa na naman niya. Napahawak naman si Jecho sa noo niya na parang nabubuwisit.

"E-eto, punasan mo luha mo," sabi naman ni Mr. Han at binigay ang panyo kay Kei. Napa blink eyes naman ako. Okay? May di ba ako alam dito? Sabagay gwapo naman si Mr. Han eh. Kung kilala niyo ni Jiho sa Boys Over Flowers? Mejo kahawig niya. Mas bata lang tignan si Mr. Han.

"Kei, bat ka pumunta dito? Saka di ka naman mahilig sa sad movies ah!" angil ko sakanya.

Nag blow siya ng malakas sa panyo ni Mr. Han kaya napangiwi na naman ako.

"Sinama ko siya dito kasi may sasabihin ako," sabi ni Jecho at hinarap niya ang upuan niya samin na parang mag i start ng meeting. He closed the movie were watching.

"Anong ginagawa mo?" I asked him.

"Listen to me. Ang rason bat ko kayo pinatawag ngayon ay gusto kong mas malaman niyo ang tungkol sa sakit ko," pagsisimula niya. "May iba't ibang klase ng amnesia. Maswerte lang ako at isa ako na nakakuha nun. Nung nalaman ko ang tungkol dun sobrang hirap tanggapin. Yung mga nakaraan ko nung bata ako di ko na maalala. My mom, I even forgotten about her," nakita ko namang bahagyang tumulo ang luha niya. "Ayoko na itago pa to o takbuhan. Gusto ko na harapin. Di ko alam kelan aatake ito o kelan ulit ako makakalimot. So instead of running away from it, I decided to fix it instead," aniya na tumingin sakin. Ngumawa na naman ng malakas si Kei kaya napatingin ako sakanya.

"Nakaka touch naman!" aniya pa na pinupunas ang luha.

Tumingin ako kay Jecho. "How are you going to do this then?" sabi ko naman sakanya.

"Ang kailangam niyo lang gawin ay gawin ang sasabihin ko," sabi niya at tinignan sina Kei at Mr. Han saka sakin. "Kung mawawalan man ako ulit ng alaala, pakiusap wag mo akong dakmahin agad gaya ng ginawa mo nun. Alam mo naman ayoko sa babae na unang lumalapit at bigla bigla akong hinahawakan sa dibdib." Napakunot naman ako ng noo saka tumingin sa ibang direksiyon.

She's my PoserWhere stories live. Discover now