Chapter 23

116 45 139
                                    

Athena's POV

Lakad balik ako sa kwarto ko habang inaantay ang tawag sakin na gising na si Jecho. Dalawang araw na kasi pero wala parin akong balita tungkol sakanya. Di ko naman siya madalaw kasi di ako pinapapasok ng mga guards niya. Family member lang daw ang pwedeng pumasok. Sobrang nag aalala na ako sakanya.

Bigla namang nagring ang phone ko kaya sinagot ko agad. "Yes?"

"Athena, gising na siya," sabi ni Angelo na nakapagpangiti sakin.

"Pupuntahan ko siya. Pupunta ako diyan."

"T-teka Athen---" binaba ko na ang tawag at dali daling nagbihis saka nagpunta sa ospital.

Mabuti naman at pinayagan na ako ng mga guards na pumasok kaya nakapasok ako. Nakita ko sa loob ng room ang umiiyak na mommy ni Jecho saka si Angelo. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala ang daddy niya. May takot kasi akong nararamdaman sa presensiya niya eh.

Pinihit ko ang pinto para buksan. Tumingin naman sila sakin. Nakita ko si Jecho na nakaupo na at nakasandal sa headrest ng kama. Kinunutan niya ako ng noo.

"Jecho, how are you?" tanong ko at akmang hahawakan ang kamay niya pero pinatid niya yun. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Who are you?" pagalit na tanong niya. Napanganga naman ako sa tanong nito. Taka akong tumingin kay Angelo at sa umiiyak na mommy niya.

"Nagka amnesia siya Athena. Pero ang nakalimutan niya lang ay yung mga taong huli niyang nakasama at kasama na dun si tita Ailee at...ikaw," malungkot na sambit ni Angelo.

Napatulo naman ang luha ko. So, nakalimutan niya ako? Not only me, even his mom? Tinignan ko ulit siya. Wala akong makitamg emosyon sa mga mata niya. It was very cold. Parang nawala na bigla ang Jecho na nakilala ko. Parang napalitan ng isang taong di ko kilala. Bumigat naman ang paghinga ko. Ang sakit. Sobrang sakit sa dibdib. "D-di mo na ba talaga ako kilala?" tanong ko sakanya.

"Do I need to know you?" sambit niya. Tumingin ako sa taas para pigilin ang paghikbi ko. Bakit naman ganito Lord? Okay na eh. Okay na kami. Pero bakit naman ganito?

Hinawakan naman ni Angelo ang balikat ko. "Let's give him space kasama ang mommy niya. Maybe ipakilala mo nalang ang sarili mo next time?"

Mabigat ang loob kong tumango. Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Inalalayan ako ni Angelo palabas ng kwarto. Humihikbi ako habang lumalakad.

"Makikilala ka din niya. Don't worry too much," Angelo said pero di parin gumaan ang loob ko. How? How can he remember me?
----------------------

Three days had passed. Para akong robot na nagtatrabaho. I just did what I have to do pero ang puso ko wala sa mga ginagawa ko. Napabalita na din na nakalabas na si Jecho sa ospital at bumalik na sa trabaho. Tumulo na naman ang luha ko. What should I do?

Huminga ako ng malalim saka tumango. Tama, kung di niya ako kilala magpapakilala ako sakanya.

I decided to go to his company. Sakto namang nakita ko ang kotse niya na nasa harap ng opisina kaya kinatok ko ang bintana.

Binuksan naman ni Mr. Han ito. "Yes Miss Athena?"

"Mr. Han, pwede ko bang kausapin si Jecho?" sabi ko

"Ok." sabi ni Mr. Han.

"No." sabi naman ni Jecho. Ngumuso naman ako sa narinig ko.

Tinignan naman ni Mr. Han si Jecho. "Sir, ano...wala akong oras na idetalye lahat ng nangyari pero si Miss Athena ay...girlfriend mo," nagulat naman ako sa sinabi ni Mr. Han. Kumindat naman si Mr. Han sakin kaya napangiti ako.

She's my PoserWhere stories live. Discover now