Chapter 39

98 28 37
                                    

Jecho's POV

"Got a second?" biglang tanong ni Angelo sakin nang papasok na sana ako sa kotse pauwi kinahapunan.

Tumango naman ako. "Okay," I answered him.

We went to a bar near VGC. "Narinig kong you are making up with Athena," he said. Uminom ako ng alak mula sa baso ko at tumango sakanya.

"Alam kong lagi kang naging kaibigan sakanya. Kung natatakot ka man na di totoo ang pinapakita ko sakanya, fearing na sasaktan ko ulit siya, wag kang mag alala. I already confessed my feelings for her," sabi ko na nakatingin sakanya. Nanatili naman siyang nakayuko at nilalaro ang baso ng alak niya.

"I guess...we are rivals in love now," he said at hinarap ako. "It's ironic, isn't it?"

"Kung may problema ka sakin, just aim at me Angelo."

"Hanggang ngayon ba iniisip mo paring nagbibiro ako? Ikaw ang unang naglaro dude. You hurt her first. Lagi akong naging totoo sakanya."

"But she is my girlfriend now Angelo," seryoso kong sambit sakanya.

"She was. For you. She is just yout ex now dude," aniya kaya napahilamos naman ako ng mukha ko. "Pwede mo siyang ligawan at ipakita ang nararamdaman mo. Pero minsan ba naisip mo kung anong nararamdaman niya?"

"I told you this is between me and her."

"Then you have to compete with me Jecho," tumingin din siya sakin ng seryoso.

"Angelo I can promise you anything, except her."

"Pano kung sabihin kong siya lang ang kailangan ko?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Tinitigan ko siya saglit at nilagok ang laman ng baso ko.

"Dude alam mo ba mula pa pagkabata natin lagi akong naiinggit sayo sa lahat ng bagay? Matalino ka, magaling ka sa sports, laging nananalo sa mga paligsahan. Then it came a time na nasanay na ako at natanggap ko nang sa ating dalawa ako ang nasa ilalim mo," ngumiti siya ng mapakla sakin. "So be it. You can win with all of those. Di naman ganun kasama yun. But this time, ayoko nang matalo sayo." Ininom niya ang laman ng baso niya at tumayo. "From now on, it's a fair competition between us. I will try to win her over by all means," he said and patted my shoulders at tinalikuran ako.

Tumayo din ako. "If you think you can win her over by defeating me, mali ka. Gaya ng sabi ko tao si Athena. Hindi siya bagay. Mayroon siyang sariling isip at nararamdaman. Kung sino man ang gusto niyang piliin mas mabuting tanungin mo siya. At saka," lumapit ako sa kinaroroonan niya. "hindi ko siya ibibigay sayo." Tinalikuran ko na siya at lumabas sa bar. Kagat labi akong pumasok sa kotse ko. What happened between us Angelo?

Umuwi ako na mabigat ang pakiramdam. Bigla namang nasagi ng paningin ko ang larawan namin ni Angelo na nakapatong sa table ng mini library ko. Hinawakan ko yun saka nagbuga ng hangin. Pinatong ko ulit yun sa table.

Umupo ako sa sofa at bahagyang hinimas ang noo ko.
----------

Athena's POV

"Hello?" sagot ko sa phone ko na nakapatong sa table ko. Nandito kasi ako sa opisina at kasalukuyang pinipirmahan ang mga papeles na kailangan kong pirmahan.

"Athena," I heard Angelo's voice. Kumunot naman ang noo ko.

"O, ikaw pala. Bakit?" tinigil ko ginagawa ko pansamantala.

"May gagawin ka ba ngayon? Magkita tayo pwede?"

Nag isip namam ako. "Wala naman bukod sa pagpirma ng papeles."

"Sunduin kita diyan," he said.

"Sige," I said saka binaba ang tawag. I tilt my head sa pagtataka.

She's my PoserWhere stories live. Discover now