Chapter 11

165 61 219
                                    

Athena's POV

"Kimi he no omoi ga takanatte. Kagirinaki chikara umarenu. Motomwru naraba dokomade mo. Kawaranu kizuna furikazasou. We are hope."

Narinig ko ang ringing tone ng phone ko kaya nagising ako. That's a One Piece song. Sabado ngayon kaya gusto kong matulog ng matagal pero may lapastangang sumira sa maganda kong tulog.

With closed eyes, I answered the phone. "Mamatay ka na," I said in annoyance. Ayoko talaga ng may gumigising sakin eh.

I heard a soft chuckle sa kabilang linya. "Goodmorning to you too Miss Athena," I heard a man's voice. Teka sino to?

Nagmulat ako ng mata at tinignan kung sino ang caller pero di naman naka save ang name niya sakin. "Sino ka?" I asked.

"This is Angelo. You know the one who invited you on a date today?" he answered. Angelo? Kumunot bigla ang noo ko. Pano naman niya nakuha ang number ko?

"And how did you get my number Mr. Wang?" I asked again. Nakapag-oo na pala ako sakanya sa isang date. Pero nabubwisit ako sakanya sa pag imbita kay Ethon sa DU eh. Muntik na akong mabuking dahil dun.

"Oh I'm sorry,  I get it at the Dean's office. Nakiusap ako kay uncle to get your contact number since you are not replying to my message on your messenger," he said. Nag message pala siya sakin? Di ko naman inoopen ang account ko dahil sa sobrang boring naman ng account kong yun.

"Ah, okay," sabi ko na lamang. I decided to just go with the flow today since nasabi ko na din kina mama at papa na may lakad ako kaya di ako makakasama sa date kuno nila.

"So, where's your house? Sunduin nalang kita diyan," he said.

"No. I will just meet you at the plaza. 9 am," I said. Ayoko namang mag isip sina mama ng iba pag may sumundo sakin dito. Baka mas lalo nila akong di payagang umalis.

"Are you sure? Okay then, see you Athena," he said at binaba na ang tawag.

Pumunta na akong banyo para maligo. After a couple of minutes, lumabas nadin ako para magbihis. I wore a simple off shoulder gray top and jeans. I applied a simple make up para di rin nakakahiya kay Angelo. I grabbed my purse saka dumiretso sa baba.

Nakita ko naman si mama na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng newspaper. "I'll go now Ma," I said saka lalagpasan na sana siya.

"Be sure to go home early," she said without looking at me. I just nodded at her saka lumabas na. Pumasok ako sa kotse ko at nag drive papuntang plaza.

Pagdating ko dun, nakita ko na siya na nakasandal sakanyang kotse. Ngumiti siya sakin nang makita niya akong bumaba.

"Sorry, I'm late," I said nang sinalubomg niya ako. Gwapo din talaga ang isang to. Mestizo kasi siya at naka brush up pa ang buhok. Singkit ang mga mata nito at makapal ang kilay pero di naman nagmumukhang dugyot. Matangos ang ilong at mapula ang labi. He's a definition of a cool guy.

"No, kadarating ko lang din," he said smiling at me. "So, let's go?" aya niya sakin at tumango naman ako.

Di ko alam ang mga ginagawa sa isang date kasi di naman ako nakikipag date. Susunod nalang ako kung saan man niya ako dalhin. Wag lang sa hotel siyempre. Haha.

"Kain muna tayo then we will go shopping. Gusto mo ba?" he asked me. Mahilig naman akong mag shopping kaya ok lang. Though di ako yung tipo na nakakagasto ng madami kasi needs ko lang din ang binibili ko. Tamang tama I need to buy gift for Keiry's brother. Sa susunod na Sabado na pala yun.

"Okay. Di pa nga rin ako nag breakfast eh," I said casually at him. Di naman siguro masama na kausapin siya ng komportable diba? Though badtrip parin ako sa ginawa niya kahapon. Talaga kasing sinusubukan niya akong bukingin.

She's my PoserWhere stories live. Discover now